Wednesday, December 2, 2020

Kalinaw News: Serbisyo ng pamahalaan ibinahagi sa Brgy. Mabuaya, JAS, DOcc

Posted to Kalinaw News (Dec 2, 2020): Serbisyo ng pamahalaan ibinahagi sa Brgy. Mabuaya, JAS, DOcc



Malita, Davao Occidental – Ibinahagi ng kasundaluhan ng Bravo Company ng 73rd Infantry Battalion ang serbisyo ng lokal na pamahalaan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental kung saan nabenipisyohan ang mga miyembro ng Kikog Mabuaya Farmers Association nitong araw ng Disyembre 1, 2020 na ginanap sa So. Kikog, Brgy Mabuaya ng nasabing munisipyo.

Nabigyan ang asosasyon ng binhi ng monggo, punla ng gulay, ng niyog at ng saging. Ang mga binhi ay ibinahagi ng Municipal Agriculture Office habang ang mga punla naman ay galing sa probinsya ng Davao Occidental.

Ito ay sama-samang itinanim ng mga miyembro at ng mga kasundaluhan. “Maayo ang resulta sa among gehimo karun, Naa sad miginahimo , sa tinood lang nalipay ug nakita namu taga-adlaw na himsog ang among pananum, lami kayo sa among pamati,” sabi ni Agustino, presidente ng asosasyon. (Maganda ang naging resulta ng aming ginagawa ngayon. Mayroon kaming pinagkakaabalahan. Sa katunayan, masaya kami at nakikita namin araw-araw na masisigla ang aming mga tanim. Sulit sa pakiramdam)

Sa pahayag naman ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Pinuno ng 73IB, kanyang nabanggit ang maayos na samahan ng mga ahensya sa Davao Occidental. “Patuloy ang kasundaluhan sa paghatid ng mga serbisyo ng gobyerno. Kasama ang iba’t ibang mga ahensya, hindi kami mapapagod sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan,” kanyang sabi.

Sa katunayan ang NTF-ELCAC ay patuloy na nagsasagawa ng mga proyekto at serbisyo upang mahinto at matigil ang rekrutment na isinagawa ng mga teroristang NPA.



[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/serbisyo-ng-pamahalaan-ibinahagi-sa-brgy-mabuaya-jas-docc/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.