Posted to Kalinaw News (Dec 1, 2020): 48IB, NCIP nanguna sa Balik Eskwela Outreach Program para sa mga Batang Dumagat
Fort Magsaysay, Nueva Ecija–Nagsagawa ng Balik-Eskwela Outreach Program 2020 ang Lady Pipay (NGO) at ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) katuwang ang 48IB para sa mga Katutubong Dumagat ng Dike-Adwis Elementary School, Sitio Manalo, Barangay San Lorenzo, Norzagaray, Bulacan noong ika-28 ng Nobyembre 2020.
Ang Balik Eskwela Outreach Program 2020 na pinamagatang “Lady Pipay BALIK- ESKWELA” ay naglalayon na matulungan ang mga batang Dumagat sa kanilang pag-aaral sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID 19. Hangad din ng mga sponsor na mabigyan ng tulong ang mga Katutubong Dumagat matapos masalanta at maapektuhan sila ng Bagyong Ulysses kamakailan lang.
Lulan ng dalawang (2) military trucks ng 48IB, kinuha ang mga relief items sa Timog Avenue, Quezon City patungo sa naturang paaralan.
Dumalo sa outreach program sina Sec. Allen A. Capuyan, Chairperson ng NCIP,
Protocol Officer Dra. Rodelene P. Tan at 48IB Charlie Company Commander 1LT Oscarito S. Tobias na nanguna sa pag turn-over ng mga relief items na naglalaman ng dalawang (2) kilong bigas, tatlong (3) pirasong noodless, dalawang (2) pirasong canned goods, apat na (4) pirasong gatas at kape, isang (1) pakete ng biskwit, bags, notebook, disposable cup at NCIP
Books Stories.
Tinatayang 150 na mga pamilyang Dumagat ang makikinabang sa mga naigawad na relief items.
Malugod namang tinanggap ng naturang paaralan sa pangunguna ni School Principal Ms. Jennifer A. Sacdal; Barangay Chairperson Josephina R. De Mesa at Indigenous Peoples Mandatory Representative-Panlalawigan, Vergel S. Cruz ang mga naturang items. Ang pagkakaisa ng NCIP,48IB,DepEd sa pakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Barangay ng San Lorenzo para mabigyan ng tulong ang mga Katutubong Dumagat ay napapasailalim sa Sectoral Unification, Capacity Building and Empowerment (SUCBEM) Cluster ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ng pamahalaan.” Ako po ay nagpapasalamat kay Sir Capuyan dahil sa tagal ng panahon ng paninirahan namin dito ay ninais po niyang pumunta dito sa pamayanan ng mga katutubo lalo na din po sa 48IB na patuloy na sumusubaybay sa amin dito sa Angat Dam” sambit ni
IPMR Cruz.
Pinuri naman ni Major General Alfredo V. Rosario Jr PA, Commander ng 7ID ang naturang hakbangin para sa ang mga katutubong Dumagat. Dagdag naman ni Lieutenant Colonel Felix Emeterio M. Valdez, Commanding Officer ng 48IB, palaging naka suporta ang kasundaluhan sa mga ganitong proyekto na nakakatulong lalo na sa mga kabataang katutubo.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/48ib-ncip-nanguna-sa-balik-eskwela-outreach-program-para-sa-mga-batang-dumagat/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.