Posted to Kalinaw News (Jul 24, 2020): 48IB Tumulong sa Paghahatid ng mga Hygiene Kits sa Mga Katutubo ng Region 3
Doña Remedios Trinidad, Bulacan – Tatlong (3) Lalawigan ng Rehiyon 3 na sakop ng 48IB ang nakatanggap ng tig 600 na Hygiene Kits na nagmula sa programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipinamamahagi sa mga katutubong Inidgenous Peoples (IP) simula 18 ng Hulyo 2020 .
Layunin ng DSWD na ma- monitor at ma -maintain ang good hygiene o ang malinis na pangangatawan ng mga katutubong IP na siyang isang paraan na pananggalang sa sakit na COVID-19.
Sa kasalukuyan, patuloy na ipinamamahagi ang mga Hygiene Kits sa mga Lalawigan ng Bulacan, Bataan at Pampanga katuwang ang 48th Infantry (Guardians) Battalion at ang mga kani-kaniyang Indigenous People Mandatory Representative (IPMR) sa pakikipagtulungan sa National Commission on Indigenous People (NCIP).
Ang mga Sitio at Barangay ng Floridablanca at Porac ay tapos na sa pamamahagi kung saan umabot na sa 456 na kahon ng hygiene kits ang ibinigay sa bawat pamilyang katutubong Aeta na benepisyaryo sa naturang lugar. Laman ng kahon ay mga toothbrush, toothpaste, shampoo, bathsoap, laundry saop, sanitary napkin, suklay, shaving razor at nail cutter.
Sa pinaigting na kampanya ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) patuloy ang pakikipag-ugnayan ng NCIP,DSWD at 48IB sa ilalim ng Basic Services ay inaasahang maibabahagi pa ang ibang hygiene kits sa mga natitirang IP, Dumagat at Aeta, sa mga nabanggit na lalawigan.
Ayon kay, Brigadier General Andrew D. Costelo, 703rd Brigade Commander , “Tunay na mahalaga ang pagpapanatili ng kalinisan ng katawan upang ma-proteksiyunan ang sarili laban sa sakit na COVID-19. Maganda at may ganitong uri ng programa ang ating pamahalaan at asahan ninyo na katuwang ang Hukbong Katihan sa pamamahagi nito. “
Dagdag ni Lieutenant Colonel Felix Emeterio M. Valdez, Commanding Officer ng 48IB, “Taos puso po kaming nagpapasalamat na naging katuwang ang Guardians Battalion sa pamamahagi ng mga Hyigine Kits para sa ating mga katutubo. Hangad ng Guardinas Battalion na maging ligtas ang ating mga katutubo sa pandemiya na COVID-19.”
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/48ib-tumulong-sa-paghahatid-ng-mga-hygiene-kits-sa-mga-katutubo-ng-region-3/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.