SPOKESPERSON
NPA-QUEZON
APOLONIO MENDOZA COMMAND
NEW PEOPLE'S ARMY
SEPTEMBER 23, 2019
Isang pulutong ng sundalong kabilang sa 85th IBPA ng Armed Forces of the Philippines ang inisnayp at pinaulanan ng bala ng New People’s Army, kahapon, bandang alas dos ng hapon sa Vista Hermosa, bayan ng Macalelon.
Ayon sa ulat ng mga operatiba ng Apolonio Mendoza Command-NPA, isa sa mga nakahimpil na sundalo ang kanilang inisnayp pagkatapos ay binugsuan ng putok na siguradong puminsala sa pasistang tropa ng gubyernong Duterte.
Ang 85th IBPA ay mahigit tatlong buwan ng nag-ooperasyon sa naturang baryo. Ang focused military operation nila ay nagresulta na ng mahigit 200 bilang ng kaso ng paglabag sa karapatang tao sa mga bayan ng Macalelon, Lopez at Gumaca.
Kabilang si Rico Quidor at Jovi Endrenal sa mga binugbog ng sundalo noong gabi ng July 3. Pagkatapos ay sapilitang pinasuko si Quidor dahil diumano siya ay may kaugnayan sa NPA.
Si Quidor ay aktibong opisyal ng samahan ng magsasaka sa barangay Vista Hermosa na tumututol sa ginagawang dambuhalang dam sa kanilang lugar.
Ang naturang dam ay proyekto ng National Irrigation Administration na nagkakahalaga ng Php775 milyon na tinatayang makakaapekto sa may 100 ektaryang produktibong niyugan, bukod pa sa 75 ektaryang lupain na ilalaan sa kanal, istruktura at mga gusali. Magpapalayas ito sa mahigit 100 pamilya ng barangay at karatig-pook.#
https://cpp.ph/statement/focused-military-operation-ng-85th-infantry-battallion-philippine-army-diniskaril-ng-npa/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.