Monday, September 23, 2019

CPP/NPA-Central Isabela: Pag-unlad ng uring api ang isinusulong ng CPP-NPA

NPA-Central Isabela propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Sep 23, 2019): Pag-unlad ng uring api ang isinusulong ng CPP-NPA

VIC BALLIGI
SPOKESPERSON
NPA-CENTRAL ISABELA
REYNALDO PIÑON COMMAND
NEW PEOPLE'S ARMY
SEPTEMBER 23, 2019

Tahasang kasinungalingan, katawa-tawa at pagsusuring nakabatay sa haka-haka ang ipinagkakalat ng mga kinatawan at ahente ng mga naghaharing uri at ng mga bayarang tropa ng AFP na diumano ang NPA ang dahilan na kaya hindi umuunlad ang kabuhayan ng mga magsasaka sa kanayunan.

Pinagtatakpan nila na ang mismong sistemang kanilang pinaglilingkuran ang ugat ng kahirapan ng mga magsasaka at ng buong lipunang pilipino sa kabuuan. Ikinakaila na ang dominasyon at kontrol ng imperyalismong US at ngayon, ang imperyalismong Tsina sa buong buhay panlipunan at ang pagkatuta ng mga rehimeng Duterte ang ugat ng kahirapan.

Sunod sunuran sa mga dikta at imposisyon ng imperyalismo sa kapinsalaan ng mamamayan katulad ng Liberalisasyon, deregulasyon, at pribatisasyon kaya nananatiling atrasado, itinali nito ang ekonomya na nakaasa export at sa import , baun sa utang na ekonomya. Kinokontrol ng iilang panginoongmay lupa at malalaking agro-korporasyon ang malalawak na lupain.

Resulta ng kahirapang ito ang pagbabalikwas ng mamamayan upang isulong ang pambansa-demokratikong rebolusyon. At ang pagsulong at paglakas na ito ay kinasusuklaman ng mga kabilang sa mga naghaharing uri.

Sa loob ng 50 taon, katuwang ng mamamayan ang CPP-NPA sa pakikibaka para sa pagunlad. Sa Programa ng Pambansa Demokratikong Rebolusyon isinusulong ang tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon upang wakasan ang dayuhang kontrol sa mga susing industriya sa ekonomya.

Sa proseso ng rebolusyon ipinapamahagi ang mga lupa para sa mga magsasakang walang lupa, isinusulong ang pagpapababa ng interes ng pautang at paglaban sa komersyanteng pandaraya, pagpapataas ng presyo , at ang pagpapababa ng upa sa makinarya.

Isinusulong nito ang mga kilusang masa para igiit ang mga serbisyong panlipunan katulad ng mahusay na kalsada, sanitasyon, kalusugan at pang agrikulturang ayuda.

Sa mga teritoryo ng Demokratikong Gobyernong Bayan, pinapahintulutan lamang ang mga negosyo at programang maglilingkod sa mamamayan, hindi makakasira sa kanilang kabuhayan at komunidad at hindi nakakasira sa kalikasan.

Isinusulong ng CPP-NPA ang pagunlad ng uring api – ang mga magsasaka sa kanayunan at ang sambayanang Pilipino.

https://cpp.ph/statement/pag-unlad-ng-uring-api-ang-isinusulong-ng-cpp-npa/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.