Saturday, August 24, 2019

CPP/Ang Bayan: Mga opensiba laban sa FMO sa Bukidnon

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Aug 21, 2019): Mga opensiba laban sa FMO sa Bukidnon

Sa naiulat sa Ang Bayan, 30 armadong aksyon ang nailunsad ng Bagong Hukbong Bayan-North Central Mindanao Region (BHB-NCMR) sa Bukidnon sa panahon ng mga nakapokus na operasyong militar ng AFP (Marso 2018-Enero 2019). Dalawampu sa mga ito ay direktang patama at bigwas sa mga tropa ng FMO.

Pinakamasinsin dito ang 14 na armadong aksyon (13 opensiba, isang depensiba) na inilunsad ng BHB noong Disyembre 2018 laban sa FMO sa hangganan ng Bukidnon, Agusan del Sur at Misamis Oriental. Inulat ng mga yunit ng BHB ang 17 patay at dalawang sugatan sa mga sundalo.

Apat na armadong aksyon naman ang inilunsad ng BHB bilang patama sa higit 300 nag-ooperasyong sundalo sa magkakalapit na lugar sa Malaybalay City, Impasug-ong at bahagi ng Manolo Fortich noong Agosto 2018. Isang sundalo ang napatay habang isa ang nasugatan. Tumagal ang operasyon ng 1st Special Forces Battalion, 8th IB at 43rd Division Reconnaissance Company mula Agosto 8-20 sa tangkang gapiin ang isang yunit ng BHB.

Sa unang araw ng operasyong dumog ng 8th IB noong Hulyo 19, 2018, inambus ng mga Pulang mandirigma ang mga sundalo sa Barangay Busdi, Malaybalay City. Samantala, sa huling araw ng FMO ng 12th Scout Ranger Company sa Barangay Lumintao, Quezon noong Hulyo 2018, pinaputukan ng BHB ang mga sundalo. Pito sa mga tropa nito ang napatay at anim ang nasugatan.

Sa kabuuan, mahigit dalawang platun ang naidulot ng BHB na kaswalti sa hanay ng AFP. Umabot sa 40 ang patay sa mga sundalo at 16 ang nasugatan. Nakapagsagawa rin ang BHB ng isang aksyong pamarusa sa Dole Philippines noong Enero 2019.

Hindi sagka ang mga nakapokus at dumog na operasyon ng mga sundalo para malimita ang mga armadong aksyon ng BHB. Kinakailangan ang mahusay na paniktik at pagpaplano para bigwasan ang mga pwersa ng kaaway sa isang takdang panahon.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2019/08/21/mga-opensiba-laban-sa-fmo-sa-bukidnon/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.