Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Aug 21, 2019): Gina Lopez, pumanaw na
“Isang tunay na kaibigan ng mamamayang Pilipino” ang turing ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) kay Regina “Gina” Lopez. Ito ang pahayag ng PKP sa sulat pakikidalamhati nito sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Pumanaw si Lopez sa edad na 65 noong Agosto 19 sa sakit na kanser.
Naging kalihim si Lopez ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) mula 2016 hanggang 2017. Sa maiksing panahon niya sa DENR, ibinuhos niya ang lahat para ipagtanggol ang kapaligiran at mamamayang umaasa ng kabuhayan dito. Kasama siya sa pakikibaka laban sa operasyon ng malalaking kumpanya sa pagmimina at pagtotroso na dumadambong sa mga kabundukan, lumalason sa mga ilog at sumisira ng kalupaan. Tahasan niyang ipinagbawal ang open-pit mining at sinuspinde ang lisensya para mag-opereyt ng maraming kumpanya.
Matapos tanggalin si Lopez sa pwesto, agad ding pinayagan ni Duterte ang nabimbing operasyon sa pagmimina at pagtotroso, at ipinawalambisa ang mga kautusang nagtatanggol sa kalikasan at sa mamamayan.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2019/08/21/gina-lopez-pumanaw-na/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.