Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Aug 21, 2019): Bagong pasilidad para sa militar ng US
Pinahigpit ng US ang kontrol nito sa militar at pulis ng Pilipinas matapos pagkasunduan ang pagtatayo sa bansa ng pasilidad para sa “gera kontra-terorismo.”
Nitong Agosto 15, pinirmahan nina US Embassy Deputy Chief of Mission John Law at Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde ang kasunduan para sa pagtatayo ng sentro ng pagsasanay sa loob ng Philippine National Police Academy sa Silang, Cavite. Nagbigay ang US ng P520 milyon para sa konstruksyon at operasyon nito.
Magsisilbing karagdagang base para sa militar ng US ang naturang pasilidad. Dagdag pa ito sa kanilang base sa Marawi City at iba pang kampo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) alinsunod sa napagkasunduan sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement.
Nakaayon din ang pagtatatag ng pasilidad na ito sa disenyo ng US na direktang hawakan at kontrolin ang mga operasyong “kontra-terorismo” sa Pilipinas at mga bansa sa Southeast Asia. Hindi lamang mga tauhan ng PNP at AFP ang sasanayin sa loob ng naturang pasilidad. Dadalhin din ng US sa bansa ang mga papet at kaalyadong hukbo sa Southeast Asia upang isailalim sa indoktrinasyon at pagsasanay sa pagkilala at paglaban sa itinuturing nitong “terorista.” Kikilos ang mga hukbong ito bilang mga tauhan ng militar ng US.
Ipinangako na ni Albayalde na una niyang ipaiilalim sa pagsasanay ang limang bagong-buong batalyon ng PNP Special Action Force (SAF). Matatandaan na noong 2014, ang militar ng US din ang palihim na nagsanay sa dalawang kumpanya ng SAF sa Zamboanga City na isinabak sa operasyon sa Mamasapano, Maguindanao kung saan 44 pulis ang namatay.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippinesand is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2019/08/21/bagong-pasilidad-para-sa-militar-ng-us/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.