Monday, July 8, 2019

Kalinaw News: Municipal Youth Leadership Summit nilahokan ng labing pitong (70) kabataan sa bayan ng Bongabong Oriental Mindoro

Posted to Kalinaw News (Jul 8, 2019): Municipal Youth Leadership Summit nilahokan ng labing pitong (70) kabataan sa bayan ng Bongabong Oriental Mindoro

Municipal Youth Leadership Summit nilahokan ng labing pitong (70) kabataan sa bayan ng Bongabong Oriental Mindoro 1

Municipal Youth Leadership Summit nilahokan ng labing pitong (70) kabataan sa bayan ng Bongabong Oriental Mindoro 2

Municipal Youth Leadership Summit nilahokan ng labing pitong (70) kabataan sa bayan ng Bongabong Oriental Mindoro 3

Municipal Youth Leadership Summit nilahokan ng labing pitong (70) kabataan sa bayan ng Bongabong Oriental Mindoro 4

Municipal Youth Leadership Summit nilahokan ng labing pitong (70) kabataan sa bayan ng Bongabong Oriental Mindoro 5

Municipal Youth Leadership Summit nilahokan ng labing pitong (70) kabataan sa bayan ng Bongabong Oriental Mindoro 6

Municipal Youth Leadership Summit nilahokan ng labing pitong (70) kabataan sa bayan ng Bongabong Oriental Mindoro 9

Municipal Youth Leadership Summit nilahokan ng labing pitong (70) kabataan sa bayan ng Bongabong Oriental Mindoro 

BULALACAO, Oriental Mindoro – Matagumpay at matiwasay ang isinagawang Municipal Youth Leadership Summit (MYLS) na may temang “Talento’t Kaalaman Linangin sa Kabataan upang maging Kaagapay sa Pamunuan” ginanap sa Jopat’s Resort, Brgy Poblacion, Bongabong Oriental Mindoro mula noong ika-05-07 ng Hulyo 2019.

Nilahokan ng may humigit kumulang 70 kababataan kasama na ang labing anim (16) na katutubong mangyan mula sa 15 barangay ng Bongabong ang tatlong araw na isinagawang MYLS na kung saan ang Lokal na Pamahalaan ng nasabing bayan sa pangunguna ng butihing alkalde na si Dr Elegio A Malaluan katuwang ang 4th Infantry Battalion sa pamumuno ni LTC ALEXANDER M ARBOLADO na siyang nagtulungan upang maisagawa ang aktibidad na ito.

Layunin ng aktibidad na ito na linangin ang potensyal ng mga kabataan sa larangan ng pamumuno at imulat ang mapanuring pagiisip sa sarili at sa lipunan gayun din ang mahubog ang kaisipan at kakayanan ng ating kabataan na maging isang mabuting mamamayan ng ating lipunan at maging gabay nila sa pagtahak ng sa matuwid na landas ng buhay.

Tinalakay sa mga kabataan ang ibat-ibang pag-aaral katulad ng pagrespeto sa karapatang pantao at karapatan ng kabataan, drug addiction at VAWC law at Role of Youth in the community. Binigyang diin naman ng ating kasundaluhan ang mga ginagawa ng mga teroristang New People’s Army (NPA) na panghihikayat sa sector ng kabataan na umanib sa mga gawaing pang terorista. Nagkaroon din ng mga Team Building activities sa mga kalahok na kabataan upang masubok ang kakayanan at pagkakaisa sa isang gawain.

Ang 4th Infantry (Scorpion) Battalion na pinamumunuan ni Lieutenant Colonel Alexander Arbolado katuwang ang mga Lokal na Pamahalaan at kapulisan ay patuloy na makipag ugnayan at magtutulungan sa mga programa ng pamahalaan para sa mga kabataan upang mailayo sila sa mga panlilinlang ng mga teroristang grupo at sa mga illegal na gawain at droga. Patuloy na pinaaalalahanan ang mga kabataan na maging mapanuri sa kapaligiran at sa kanilang mga organisasyong sinasalihan.



4th Infantry Battalion, 2nd Infantry Division Philippine Army
2LT KIMBERLY G VILLLUNA
Public Information Officer
Bulalacao, Oriental Mindoro
Contact No: 09171572280

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace by the Philippine Army. It provides information on the activities of Army Units nationwide in the performance of their duty of Serving the People and Securing the Land. This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.]

https://www.kalinawnews.com/municipal-youth-leadership-summit-nilahokan-ng-labing-pitong-70-kabataan-sa-bayan-ng-bongabong-oriental-mindoro/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.