BANSUD, Oriental Mindoro – isa na naming miyembro ng teroristang New People’s Army ang kunpirmadong patay sa naganap enkwnetro sa Sitio Cambiswer, Poblacion, Bayan ng Calintaan, Occidental Mindoro sa pagitan ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya laban sa teroristang NPA kaninang pasado alas-nuebe ng umaga.
Bukod dito, marami pa ang hinihinalang sugatan sa hanay ng mga NPA base sa nakitang mga dugong nagkalat sa kanilang pinagtaguan. Narekober din ang mga militar ng isang (1) M14 rifle, isang (1) M16 rifle with attached 203 Grenade Launcher, isang (1) bandoleer na naglalaman ng mga bala, isang (1) binocular, isang (1) hanheld ICOM radio, isang (1) improvised explosive device o IED, mga subersibong dokumento at mga personal na kagamitan.
Ayon kay Lieutenant Colonel Alexander Arbolado, Pinuno ng 4th Infnatry Battalion, nakatanggap sila ng impormasyon galing sa isang sibilyan na meron grupo ng mga NPA sa Barangay Poypoy na nangingikil ng pagkain at pera sa kanilang komunidad. Dahil dito, agaran silang nagplano kasama ang ilan tauhan ng Calintaan PNP at nagsagawa ng operasyon upang protektahan at pangalagaan ang mga tao sa nasabing lugar.
Batay sa ulat, habang nagpapatrolya ang militar sa nasabing lugar ay nakatanggap sila ng panibagong impormasyon na lumipat ang mga NPA at ito ay kanilang sinundan. Nagpangabot ang magkalabang grupo sa may Sitio Cambiswer, sakop ng Poblasyon at umabot sa hindi bababa sa tatlumpong minuto ang nagging na palitan ng putok ng magkabilang panig.
Samantala, bahagya namang nasugatan sa may bandang likuran si Corporal Freddie S Casinova subalit agad naman syang nalapatan ng pangunanang lunas at ngayon ay nasa mabuti ng kalagayan.
Sa pahayag ni Brigadier General Marceliano V Teofilo, 203rd Brigade Commander, nais nyang purihin ang mga kasundaluhan na magiting na ginagampanan ang sinumpaang tungkulin upang pangalagaan at protektahan ang mamamayan ng Mindoro. Nagpapasalamat din sya sa mga mamamayan na patuloy na sumusuporta sa kapulisan at kasundaluhan upang malupig ang mga teroristang NPA at makamit ang katahimikan sa isla ng Mindoro.
Matatandaan na ang mga teroristang NPA ang pangunahing salarin sa pagpatay kina Kenny Dam-in Aquino, Jun-jun Ysog at Jose Barera na isang IP lider sa bayan ng San Jose. Sila rin ang may pananagutan sa pagkasunog ng mga construction equipment ng Martinez Enterprise at Sta Clara Hydro-electric power plant sa Bayan ng Naujan.
Sa mga naunang pahayag ni BGEN Teofilo, mariin nyang kinokondena ang mga ginagawang krimen ng mga teroristang NPA at nananawagan sa mga progresibong grupo tulad ng Karapatan at National Union of People’s Lawyer (NUPL) na magsagwa ng sariling imbestigasyon sa mga nabanggit na krimen ng NPA nang sa ganun ay mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nina Aquino, Ysog at Barera at sa mga may-ari ng construction equipment.
Nito lang nagdaang dalawang (2) linggo, tatlong NPA rin ang nasawi kabilang ang isang lider na si Boniofacio Magramo @Eboy sa pakikippagsagupa sa militar at pulisya sa Panaytayan, Bayan ng Mansalay. Pinaniniwalaang si @Eboy ang Kalihim ng Sub-Regional Military Area (SRMA)- 4E na nanggugulo sa Probinsya ng Palawan.
“Patuloy naming isasagawa ang focused military operation dito nang sa ganun ay maabot natin nag-iisang pangarap na magkaroon ng matiwasay at tahimik na pamumuhay dito sa Mindoro. Hindi ko hahayaan na mamayagpag at magdulot ng takot ang teroristang NPA na syang dahilan ng kaguluhan at kahirapan dito sa aking nasasakupan” dagdag na pahayag ni BGEN Teofilo.
Ayon naman kay Brigadier General Elias Escarcha, 2nd Infantry Division Commander, na ang enkwentro ay resulta ng mahusay na pakikipagtulungan at koordinasyon ng ating kasundaluhan sa mga mamamayan ng Mindoro. “Nananawagan ako sa mga nalalabing lider at miyembro ng NPA na magbalik-loob na sa gobyerno at taos-pusong tanggapin ang programa nito na Enhanced Comprehensive Local Integration Program. Di naming kayo pababayaan, at bibigyan namin ng nararapat na atensyong medikal ang mga kasamahan ninyong sugatan”.
Samantala, patuloy ang isinasagawang pursuit operation sa nasabing lugar.
203rd Infantry Brigade, 2nd Infantry Division Philippine Army
MAJ RODERICK G DEPOLONIA (INF) PA
CMO Officer
Bansud Oriental Mindoro
09178407053
MAJ RODERICK G DEPOLONIA (INF) PA
CMO Officer
Bansud Oriental Mindoro
09178407053
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace by the Philippine Army. It provides information on the activities of Army Units nationwide in the performance of their duty of Serving the People and Securing the Land. This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.]
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.