Friday, May 5, 2017

DWDD: TAGALOG NEWS | BANDILA NG PILIPINAS, IWINAGAYWAY SA PANGUAN ISLAND

From DWDD AFP Civil Relations Service Radio Website (May 2): TAGALOG NEWS | BANDILA NG PILIPINAS, IWINAGAYWAY SA PANGUAN ISLAND

tawi-tawi

Iwinagayway ng mga miyembro ng Philippine Marines at Philippine coast Guard ang watawat ng Pilipinas sa unang pagkakataon sa Panguan Island, Tawi-Tawi.

Sinabi ni Brigadier General Custodio Parcon ng Joint Task Force – Tawi-Tawi na boundary ng Malaysia at Pilipinas na siya ring ginagamit ng mga Abu Sayyaf Group upang magtago.

Sa naturang lugar rin isinasagawa ng bandidong grupo ang kanilang mga mararahas na aktibidad.

Ang pagwawagayway ng bandila ng Pilipinas ay isang manipestasyon na pagmamay-ari ito ng Pilipinas at hindi ng mga bandido.

Matatandaang noong maitalaga ang 2nd Marine Brigade ay nawalan na ng ‘comfort zone’ ang ASG at hindi na rinn namamataan ang mga pirata sa lugar. (EPJA)

http://dwdd.com.ph/2017/05/02/tagalog-news-bandila-ng-pilipinas-iwinagayway-sa-panguan-island/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.