Wednesday, October 26, 2016

500 miyembro ng 2nd IB matagumpay na nagtapos ng retraining

From the Philippine Information Agency (Oct 26): 500 miyembro ng 2nd IB matagumpay na nagtapos ng retraining (500 members of the 2nd IB successful graduates of retraining)

Matagumpay na nagtapos ang halos 500 na miyembro ng 2nd Infantry (Second to None) Battalion sa isinagawang Battalion Retraining, kamakailan sa Camp Elias Angeles, 9th Infantry Division, San Jose, Pili, Camarines Sur.

Ayon kay 9th ID, Division Public Affairs Office (DPAO) chief Capt.Joash U. Pramis, noong Oktubre 24, 2016 ginanap ang Closing Ceremony sa naturang lugar na pinangunahan ni 9ID Commander Major General Manolito P. Orense.

Sinabi ni Pramis na umabot sa tatlong buwang pagsasanay ang isinagawa na pinamahalaan ng 9th Division Training Unit na naglalayon na pag-ibayuhin ang kaalaman at kakayahan ng sundalo at ng buong yunit.

Ang mga sundalong nagsasanay ay dumaan sa ibat-ibang aspeto kabilang dito ang pagpapalakas, pag-aaral ng mga taktikang militar, pagsasanay sa mga gawain kung may kalamidad at pagsasanay ng kanilang kakayahan sa tungkulin.

Itinuro din sa mga sundalo ang tungkol sa pagiging kapakipakinabang na mamamayan at bilang isang lingkod bayan.

Ayon kay 9ID Commander Orense, kailangan tuloy-tuloy ang mga ginagawang training sa hanay ng mga sundalo at mga yunit para makamit ang pananaw ng Philippine Army na maging isang “World Class Army by 2028”.

Kaugnay nito malaki ang tiwala ni Orense sa kakayanan ng kanyang mga nasasakupan para gampanan ang pangangalaga ng seguridad pati na rin ang kampanya laban sa droga at kriminalidad.

Samantala, itinalaga naman si Lt. Col. Jenie M. Hesaya na bagong Acting Battalion Commander ng 9ID at Headquarters Support Battalion noong Oktubre 20, 2016.

Pinalitan ni Hesaya si Maj. Armando T. Benito na siyang itinalagang Acting Chief of Staff ng Education at Training o G8.

http://news.pia.gov.ph/article/view/851477450909/500-miyembro-ng-2nd-ib-matagumpay-na-nagtapos-ng-retraining

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.