Lingid umano sa kaalaman ng Moro Islamic Liberation Front ay dalawang miyembro nito ang siyang nagsilbing impormante ng Special Action Force at siyang nagturo kung saan nagtatago si Malaysian bomber Zulkifli bin Hir alias Marwan sa Maguindanao province.
Sa dalawang impormante rin posibleng mapunta ang $5 bounty
na alok ng Estados Unidos sa ulo ni Marwan. Kasama rin umano ang dalawa na
nakasuot ng uniporme ng SAF sa nasabing operasyon na inilunsad nitong Enero 25
sa Barangay Tukanalipao sa bayan ng Mamasapano.
Walang ibinigay na anumang pahayag ang MILF ukol sa naturang
ulat na inilabas ng GMA News, ngunit si Marwan ay napatay sa isang kubo sa kuta
mismo ng dating rebeldeng grupo na lumagda ng peace agreement sa pamahalaang
Aquino noon nakaraang taon.
Nabatid na mismong ang Intelligence Group ng Philippine
National Police ang siyang nag-recruit sa dalawang impormante na ngayon ay nasa
isang safe house na.
Sa kabila ng tagumpay ng SAF na mapatay si Marwan ay 44
commandos naman ang nagbuwis ng kanilang buhay sa nasabing operasyon matapos na
mabangga ang malaking puwersa ng MILF at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters
habang papatakas mula sa kubo ng terrorista bitbit ang pinutol na daliri nito
na siyang naging basehan ng DNA analysis ng Federal Bureau of Investigation.
http://www.mindanaoexaminer.net/2015/02/2-milf-spy-nasa-likod-ng-saf-ops-sa.html
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.