Maria Roja Banua
Spokesperson
NDFP Bicol Chapter
Spokesperson
NDFP Bicol Chapter
Ang kasaysayan ng alinmang lipunan ay kasaysayan ng pakikibaka ng mamamayan laban sa pang-aapi at pagsasamantala. Sa lipunang kapitalista, ang digma ay ginagamit na paraan para ibayong kumita ng dambuhalang tubo mula sa pagbebenta ng kagamitang pandigma at higit na pagpapalawak ng hegemonya para sa interes ekonomiya at pulitika laban sa sariling mamamayan o mamamayan ng sinasakop na bansa. Sa ngayon, muling nagkukubli sa paraang “proxy war” ang gyerang inilulunsad ng US dahil sa pagkakalantad,magastos at pagkatalo sa labanan sa gyera sa maraming bansa sa nakaraan.
Disyembre 10, 1948 naganap ang pagtitipon ng mga bansa sa ilalim ng United Nations matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung saan kinilala ang maraming mga kasong ng paglabag sa karapatan pantao at sa layuning itaguyod na maging makatao ang paglulunsad ng digmaan.
Pagkukunwari man o pakitang tao sa esensya ito ay inilangkap sa gyerang sikolohikal ng mga imperyalista dahil itinulak ng lumalakas na paglaban sa imperyalismo ng mamamayan ng mundo. Iniluwal ng pagtitipong ito ang Unibersal na Deklarasyon sa Karapatang Pantao kung saan ang mga kasaping estado ay nangangako na kamtin ang pagtataguyod ng pangkalahatang paggalang sa karapatang pantao at ang mga pundamental na usapin ng kalayaan. Sinundan pa ito ng maraming kasunduan, batas at kaayusan hinggil sa paglulunsad ng gyera at mga usapang pangkapayapaan bilang isang larangan para pag-usapan ang pagresolba ng pinagmumulan ng armadong tunggalian.
Disyembre 10, 2014 ang ika-66 taong ng komemorasyon ng Pandaigdigang na Deklarasyon sa Karapatang Pantao ay nagsisilbing Araw ng Pang-uusig sa US-Benigno Simeon Aquino (US-BSA) ng mamamayan dahil sa lansakang paglabag sa karapatang pantao. Hindi maitatatwa na ang paglabag sa karapatang pantao ay integrado sa kamalayan ng mga bayarang mga sundalo ng US-BSA laban sa itinuturing na kaaway ng naghaharing rehimen. Simula pa lamang sa pagsasanay ng mga opisyal at treynor na kano sa isang sundalo ay isinasalaksak na sa isipan nito at dumadaan sa tortyur bilang paghahanda sa kanilang kaisipan na gamitin laban sa kaaway at mamamayan. Kung itinuturing nilang kaaway ang CPP-NPA-NDF, mamamayang Moro at iba pang nag-aarmas na mamamayan ay itinuturing din nilang kaaway ang sinumang tumututol sa pang-aapi at pagsasamantala.
An mga magsasakang nakikibaka para sa lupa, manggagawang nakikibaka para sa makatarungan pasahod at benepisyo, maralitang lunsod na nakikibaka para sa kabuhayan, serbisyo at desenteng tirahan, kunsumedores at driver na nagrereklamo sa mataas na presyo ng produktong petrolyo at bilihin, propesyunal na humihingi ng pagtaas ng sweldo at reklamo sa mataas na bayarin sa buwis at higit sa lahat nakikibakang mamamayan laban sa pork barrel at panghihimasok ng US sa pamamagitan ng EDCA.
Ang Oplan Bayanihan natodong gyera na nakabalangkas sa kontra-insurhensyang desenyo ng US sa bansa na naglalayong wasakin ang rebolusyonaryong kilusan, supilin ang paglaban at pag-alsa ng mamamayan sa paulit-ulit na takdang talaan. Ang Peace and Development Team (PDT) na binalutan ng mga pakitang-taong medical mission, 4p’s, kalahi program, debuto_boyadores sa inang penafrancia, clearing and relief mission sa panahon ng kalamidad na gamit ang rekurso ng burukrasyang sibilyan ay pawang palamuti sa hungkag at ilusyon nakuha na nila ang suporta ng mga “stakeholders” at mamamayan. Ang totoo, nauulol pa ring nanalasa ang operasyong militar laban sa mamamayan higit lalo kapag nakakaranas ng pagkatalo sa labanan. Nagreresulta ulit ito ng maraming kaso ng pagbalga sa karapatang pantao dahil sa paggigiit na ipanalo ang gyera ng US-BSA.
Pinalala pa ito ng pagtatayo o pagsuporta sa mga paramilitar na grupo sa hanay ng mga minorya at mga grupong lagalag na pumapatay nang walang sinusunod na batas at nagsasagawa ng pagnanakaw sa masa. Ang masaklap marahas sila sa walang labang mamamayan subalit duwag at walang prinsipyo sa harap ng labanan. Kung nananalo man sa labanan, idinadaan sa dumog dahil sa lakas tauhan, kagamitan at maruming taktika labag sa batas ng digmaan.
Sa rehiyong Bicol lamang, sa loob ng apat (4) na taong panunungkulan ng US-BSA nagtala ng rekord ng 373 insidente sa 1,424 na indibidwalng paglabag sa karapatang pantao na may biktimang 16,240 katao. Nasa animnapu (60) nito ay extra-judicial killing at apat (4) nakaso ng masaker na hindi pa kasama ang kaso ng mag-asawang Sales sa Camaligan, Camarines Sur na may 19 katao ang napatay at dalawa (2) nito ay bata. Sa huling kwarto ng 2014, ang pagpatay ki brgy kagawad Marites Espinilla, 48 taong gulang, Melissa Dominguano 15 taong gulang, Michael Lignes 38 taong sa Masbate, Samuel Dollesin sa Bacon, Sorsogon isang xnpa na nagbuhay sibilyan na sa loob ng ilang taon. Maliban pa nito, tumampok ang mga gawa-gawang kaso ng panghuhuli sa isang mataas daw na opisyal ng NPA sa Masbate na hindi kailanman naging kasapi ng NPA. Ang mga paglabag na ito ay krimen mismo ng mga tropang sa ilalim ng 9th Infantry Division ng Philippine Army na may pitong (7) batalyon kasama ang Cadre Battalion ng CAFGU at PNP Security Batallion na isinasabak sa kontra-insurhensyang operasyon hindi pa kasama ang Naval at Air Force. Ang paulit-ulit na malalakas na bagyong na Pablo, Yolanda, Glenda at Ruby ay dagdag sa sumasalanta sa kabuhayan ng masa ay paglabag mismo ng naghaharing rehimen na dahil sa walang pakundangan pagpapahintulot sa mga dayuhan at lokal na negosyante na pagsamantalahan ang ating likas yaman.
Ang CPP-NPA-NDF at buong rebolusyonaryong kilusan, sa ika-66 na komemorasyong ng pandaigdigang deklarasyon ng karapatang tao ay higit na nagbibigay superyoridad na tupdin ang mga patakaran sa rebolusyonaryong batas at hustisya sa hukumang bayan, 3-8 na disiplina ng bagong hukbo bayan at patakaran sa iba-ibang larangan ng gawain sa pagkondukta ng gyera. Kinikilala nito ang Universal na Deklarasyon sa Karapatang Pantao, Protocol I at II ng Geneva Conventions at pagpapahalaga sa pinirmahang kasunduan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas sa Comprehensive Agreement on Human Right ang International Humanitarian Law (CARHRIHL). Sa pagsasagawa ng mga pamamarusa sa abot ng makakaya tinutupad nito ang kaakibat na instruksyon ayon batas at hustisya, bigat ng kaso laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno at bayarang opisyal ng hukbong sandatahang lakas ng Pilipinas.
Usigin ang US-BSA, alipures at bayarang mersenaryo sa maraming kaso ng paglabag sa batas sa digma at karapatang pantao Higit na pag-iibayuhin at paiigtingin ang pakikidigmang gerilya upang kamtin ang susunod na yugto ng digmang bayan. Mabuhay ang rebolusyon!
http://www.philippinerevolution.net/statements/20141210_ika-66-komemorasyon-ng-pandaigdig-deklarasyon-ng-karapatang-pantao-ika-4-na-taon-na-muling-tigmak-ng-dugo-ang-kamay-ng-rehimeng-us-bsa

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.