Luz del Mar
Spokesperson
NPA-Masbate (Jose Rapsing Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army
May 30, 2023
Binabati ng Jose Rapsing Command – BHB Masbate ang pulang Hukbo sa matagumpay na pag-ambus sa mga aset paniktik o intel ng militar noong Mayo 29, 2023 alas-8 ng gabi sa Barangay Barag, Mobo. Patay ang dalawa habang kritikal naman ang kalagayan ng isa pang ahente ng kaaway.
Tinambangan ng mga kasama sina Nestor (alyas Renbo) Purisima, Junjun Solicito at isa pa nilang kasamahan habang papasok sa Barangay Barag. Si Purisima ay dating kasapi ng Bagong Hukbong Bayan na tumiwalag sa kilusan at sumuko sa militar matapos magpalinlang sa reaksyunaryong gubyernong rehimeng US – Duterte.
Sangkot ang tatlo sa mga pang-aabuso at paglabag tulad ng pagnanakaw ng produkto, pananakot, pambabanta at pamamaslang sa mga magsasaka sa una at ikalawang distrito ng prubinsya.
Ipinagkanulo nina Purisima ang kanilang kapwa Masbatenyo sa pagpapagamit sa militar bilang kasangkapan sa pagpalaganap ng kampanyang teror ng militar at pulis laluna sa mga lugar na target ng mapangwasak na kumpanyang Filminera – Masbate Gold Project.
Ang pag – ambus kina Purisima ay kasunod ng isa pang aksyong pamamarusa sa mga kapwa taksil ng masang Masbatenyo na sina Rina Verdida, Larry Quilantang at Ganga Dalanon sa hangganan ng Barangay San Carlos at Matagbac sa bayan ng Milagros noong Abril 14.
Babala ang nasabing ambus sa lahat ng taksil sa mamamayan. Hindi na dapat magpatuloy sa pagiging sunud-sunuran at tuta ng militar at pulis sa ilinulunsad nitong maruming gera laban sa masang Masbatenyo. Kailangang lubusan nilang talikuran ang pagiging kasangkapan sa kontra-mamamayan at kontrarebolusyonaryong kampanya ng rehimeng Marcos Jr. at patunayan sa masa na sila ay nagpanibagong-buhay na. Hangga’t hindi ito nangyayari, hindi titigil ang rebolusyonaryong kilusan na kamtin ang hustisya para sa mga biktima ng kanilang kataksilan.
Hinihikayat naman ng Jose Rapsing Command – Bagong Hukbong Bayan ang mga kasapi ng CAFGU at mga rebel returnee na wala pang mabigat na krimen sa masang Masbatenyo at rebolusyonaryong kilusan na iwan na ang nasabing gawain at mamuhay nang marangal.
Maliban sa ginagawa nilang mga kabit ang inyong mga asawa at anak na babae ay ginagawa lang kayong mga utusan. Pinaggagawa ng kubo at kusinero. Ginagawang mga magnanakaw at mamamatay-tao. Ito ba ang pinangako sa inyo na magandang buhay? Kayo mismo ang makapagpatunay na walang magandang buhay sa pagsuko at pagpapakatuta sa mga kurakot na mga upisyal ng militar at pulis.
Batid niyo mismo na hangga’t patuloy na malakonyal at malapyudal ang lipunang Pilipino ay walang magandang buhay at kaunlaran na makakamit ang sinumang mamamayang Masbatenyo. Makakamit lang ito sa pagsusulong ng armadong paglaban pangunahin sa kapwa niyo masang anakpawis.
Babala rin ang nasabing aksyon sa kumpanyang Filminera, ekoturismong Empark at iba pang mga makadayuhang proyekto na itigil na pagdambong sa lupa at yamang rekurso ng prubinsya.
Hindi titigil ang rebolusyonaryong kilusan sa prubinsya at masang Masbatenyo sa pagsulong sa mas mataas na antas ng armadong pakikibaka upang singilin at panagutin ang AFP at PNP, rehimeng Marcos Jr at imperyalistang US sa pagwasak sa kabuhayan at lupa ng prubinsya at sa buong bansa.#
https://philippinerevolution.nu/statements/ambus-sa-mga-ahente-ng-militar-babala-ng-bhb-masbate-sa-mga-taksil-ng-mamamayang-masbatenyo/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.