Saturday, June 3, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Pagpatay sa brodkaster sa radyo sa Oriental Mindoro, kinundena

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Jun 2, 2023): Pagpatay sa brodkaster sa radyo sa Oriental Mindoro, kinundena (Killing of radio broadcaster in Oriental Mindoro, condemned)
 





June 02, 2023

Kinundena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pagbaril at pagpatay sa brodkaster sa radyo na si Cresenciano “Cris” Bundoquin sa kahabaan ng C5 Road sa Santa Isabel, Calapan, Oriental Mindoro noong Mayo 31. Nakatayo ang biktima sa harap ng kanyang tindahan nang dumating ang dalawang lalaking bumaril sa kanya bandang alas-4 ng madaling araw.

Nanawagan ng hustisya ang NUJP sa pagpaslang sa brodkaster na itinuturing nitong malupit na paalala na ang pamamahayag ay nananatiling isang delikadong propesyon sa Pilipinas.

Giit ng grupo, dapat gumawa ng aksyon ang gubyerno kaugnay sa krimen, at wakasan ang kultura ng kawalang-pakundangan sa bansa na tampok sa mga kaso ng pag-atake sa mga mamamahayag. Anang NUJP, dapat mapanagot ang mga nanggigipit, umaatake at pumapatay sa mga manggagawa sa midya.

Kung mapatutunayan na may kaugnayan sa kanyang trabaho bilang mamamahayag ang pagpaslang kay Bundoquin, ang kanyang kaso ang maitatalang ikatlo sa ilalim ng administrasyong Marcos at ika-198 simula 1986.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/pagpatay-sa-brodkaster-sa-radyo-sa-oriental-mindoro-kinundena/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.