Saturday, June 3, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Ahenteng paniktik ng militar, inambus ng BHB sa Masbate

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Jun 1, 2023): Ahenteng paniktik ng militar, inambus ng BHB sa Masbate (Military intelligence agent, ambushed by NPA in Masbate)
 





June 01, 2023

Tinambangan ng mga operatiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate ang tatlong ahenteng paniktik ng militar sa Barangay Barag sa bayan ng Mobo, Masbate noong Mayo 29, alas-8 ng gabi. Agad napatay ang dalawang ahente habang nasa kritikal na kalagayan ang isa pa.

Kinilala ang dalawa sa tatlo bilang sina Nestor Purisima (alyas Renbo) at Junjun Solicito. Si Purisima, ayon sa BHB-Masbate, ay dating Pulang mandirigma na tumiwalag sa kilusan, sumuko at naging aktibong ahente ng militar.

Sangkot ang tatlo sa iba’t ibang mga kaso ng pamamaslang, pananakot, pambabanta at pagnanakaw ng ani sa mga magsasaka sa una at ikalawang distrito ng prubinsya.

Ayon kay Ka Luz del Mar, tagapagsalita ng BHB sa prubinsya, “babala ang nasabing ambus sa lahat ng taksil sa mamamayan. Hindi na dapat magpatuloy sa pagiging sunud-sunuran at tuta ng militar at pulis sa ilinulunsad nitong maruming gera laban sa masang Masbatenyo.”

Hinamon ni del Mar ang mga CAFGU at ahenteng militar na tuluyan nang talikuran ang pagiging kasangkapan sa kontra-mamamayan at kontra-rebolusyonaryong kampanya ng rehimeng Marcos Jr.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/ahenteng-paniktik-ng-militar-inambus-ng-bhb-sa-masbate/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.