May 31, 2023
Nanawagan kahapon ang isang babaeng bilanggong pulitikal sa Negros Occidental sa Commission on Human Rights sa Western Visayas na kagyat na magsagawa ng imbestigasyon sa sapilitang pagkawala ng kanyang anak, kasama ang dalawang drayber ng habal-habal, noong Abril 19 sa bayan ng Hinigaran. Ang tatlo ay unang ibinalitang dinukot ng mga pwersa ng estado at hindi pa inililitaw hanggang ngayon.
Sa isang sulat sa CHR na may petsang Mayo 20, sinabi ni Rossine Enyong, bilanggong pulitikal na nakapiit sa Negros Occidental District Jail na ang kanyang anak na babae na si Lyngrace Marturillas, at ang mga drayber ng habal-habal na sina Renel de los Santos at Denald Mialen, ay 40 araw nang nawawala.
Ang tatlo, kasama ang pinatay ng militar na konsultant ng National Democratic Front of the Philippines sa Negros na si Roger Posadas, ay bumibyahe noong Abril 19 sa Aranda-La Castellana Road. Ayon sa mga saksi, ang dalawang magkasunod na motor ay hinarang ng mga van bago sapilitang isinakay dito sina Marturillas.
Labis ang pag-aalala ng mga kaanak at grupo sa karapatang-tao sa tatlo dahil si Posadas ay pinalabas na napatay sa isang engkwentrong militar noong Abril 20 sa Barangay Santol, Binalbagan.
Binigyan din ng kopya ng sulat ni Enyong ang International Committee of the Red Cross (ICRC) para sa posibleng tulong at karampatang aksyon na kaya nitong ipagkaloob sa mga biktima.
Naglunsad din ng isang araw na ayuno ang mga kapwa bilanggong pulitikal ni Enyong kahapon bilang pagsuporta sa panawagang ilitaw ang mga dinukot ng militar at sa laksa pang mga kaso ng paglabag nito sa karapatang-tao sa buong isla ng Negros.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/bilanggong-pulitikal-sa-negros-pinaiimbestigahan-ang-pagkawala-ng-anak/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.