Saturday, June 3, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Kaagapay Exercise ng Pilipinas-US-Japan, panunulsol ng gera laban sa China

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Jun 1, 2023): Kaagapay Exercise ng Pilipinas-US-Japan, panunulsol ng gera laban sa China (Philippines-US-Japan Joint Exercise, provocation of war against China)
 




June 01, 2023

Inilulunsad ng mga armadong pwersa ng Pilipinas, Japan at US ang Kaagapay Exercise, ang bagong serye ng war games sa karagatan ng Mariveles, Bataan simula Hunyo 1 hanggang Hunyo 7. Lalahok sa trilateral o tatlong-panig na ehersisyo ang Philippine Coast Guard, US at Japan Coast Guard. Nagsimula ang ehersisyo pagkatapos ng 1-linggong pagsasanay militar sa pagitan ng AFP at ng armadong hukbo ng Indonesia sa Tarlac.

Sa udyok ng US, inilunsad sa soberanong karagatan ng Pilipinas ang ehersisyo para paypayan ang pakikipaggitgitan nito sa katunggaling imperyalistang China. Pinalahok ng US sa aktibidad ang Australia at India bilang mga tagamasid. Sa paglahok ng dalawang bansa, kumpleto sa ehersisyo ang lahat ng kasapi ng QUAD, isa sa mga binuo ng US na alyansang militar laban sa China.

Pumasok sa soberanong teritoryo ng Pilipinas ang USGCC Stratton (WMSL-752) ng US Coast Guard at ang isa sa pinakamalaking sasakyang pandagat na pampatrolya ng Japan, ang Akitsushima (PLH-32). Samantala, apat na barko ang gagamitin ng Philippine Coast Guard sa aktibidad.

Layunin ng war game ang paunlarin ang “interoperability” ng tatlong bansa para mapadali ang kontrol ng US sa mga ito, sakaling sumiklab ang gera. Ayon sa anunsyo, saklaw ng war game ang komunikasyon, pagmamaniobra, photo exercise, pagsasanay sa pagpapatupad ng batas pandagat, search and rescue, at passing exercise.

Pormal na binuksan ang aktibdiad sa Port Area sa Manila ngayong araw. Lalahok sa mapang-udyok na ehersiyo ang 200 tauhan ng PCG, 80 hanggang 100 mula sa US, at 60 hanggang 70 mula Japan.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/kaagapay-exercise-ng-pilipinas-us-japan-panunulsol-ng-gera-laban-sa-china/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.