May 30, 2023
Dalawang kaso ng pagmasaker at sadyang pagpatay sa mga sibilyan at hors de combat na mga Pulang mandirigma ang naitala sa Negros Occidental noong Mayo 20. Batay sa mga ulat, pinatay ng mga sundalo ang limang sibilyang magsasaka at isang sugatang Pulang mandirigma sa dalawang makahiwalay na insidente.
Naitala ang unang kaso sa Sityo Napiluan, Barangay Quintin Remo, Moises Padilla kung saan nilusob ng 62nd IB ang bahay ng pamilyang Ramirez noong araw na iyon. Pinaulanan nila ito ng bala dahilan para masugatan ang nagpapahingang Pulang mandirigma na si Alvin Bayno o Ka Dagger. Imbes na lapatan ng paunang lunas, sadyang tinuluyan siyang patayin ng mga sundalo.
Pinatay din ng mga berdugo ang sibilyang mag-asawang sina Evelyn Meren at Julieven Ramirez na may-ari ng bahay na tinutuluyan ni Bayno. Nasugatan sa walang-patumanggang pamamaril ng mga sundalo ang magsasakang si Ruben Obidas na residente ng parehong sityo. Imbes na gamutin, pinatay din siya ng mga sundalo.
Sa araw ding iyon, nilusob at pinagbabaril ng 16th Scout Ranger Company ang bahay ng pamilyang Babor sa Sityo Amumuyong, Barangay Trinidad, Guihulngan City. Nasugatan sa pamamaril ang padre de pamilya na si Antonio Babor, 77 at anak niyang si Jurielen Babor, 27, bago sila tuluyang pinatay ng mga sundalo, sa halip na gamutin katulad ng nakasaad sa internasyunal na makataong batas.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/4-sibilyan-1-hors-de-combat-sadyang-pinatay-ng-afp-sa-loob-ng-isang-araw/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.