Patnubay de Guia
Spokesperson
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines
June 01, 2023
Nananawagan ang NDFP-ST sa mamamayang Pilipino na ubos-kayang labanan at igiit ang pagbabasura ng pakana ng ilehitimong rehimeng US-Marcos-Duterte na gawing ligal ang pagnanakaw nito sa pera ng bayan sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund (MIF) na mas dapat tawaging Marcos Investment Fund.
Nakagagalit ang pagmamadali ng dalawang kapulungan ng Kongreso na ipasa ang nasabing batas sa kabila ng malinaw at malakas na pagtutol dito ng bayan. Nitong Mayo, biglaang ibinalita ang paglusot ng MIF sa ikatlong pagbasa sa Kamara at kasabay nito ang minadaling pagdinig sa panukalang batas sa Senado. At tulad ng pangako ng sugo ni Marcos Jr. na si Senate President Juan Miguel Zubiri, ipinasa na ng Senado ang MIF, ayon sa bilin ng reaksyunaryong pangulo na gawing “urgent” ang pagsasabatas dito. Pangita ang pagiging rubberstamp ng senado sa madaliang pagpapasa ng MIF bago magsara ang ika-19 Kongreso sa Hunyo 3.
Kalokohan ang pagbabansag na “urgent” sa MIF dahil wala naman itong emerhensyang tinutugunan. Malayo ito sa sagot sa kagyat na panawagang dagdag-sahod ng mga manggagawa o ayuda para sa mga maralitang walang kabuhayan ngayong sumisirit ang implasyon. Hindi rin ito pondong pangsagip sa mga nasalanta ng kalamidad. Walang kagyat na gamit ang MIF kaya hindi dapat pahintulutan na sagasaan ang mga proseso sa parlamento para rito.
“Urgent” ang MIF para kay Marcos Jr. dahil kabilang ito sa kanyang pagsisikap na konsolidahin ang kapangyarihan at yaman sa maagang bahagi ng kanyang termino. Katambal ng isinusulong na charter change ang MIF. Kapwa ito gagamitin ng Marcos at kanilang naghaharing pangkatin upang tipunin ang kapangyarihan sa pulitika at magkamal ng yaman. Kung maipasa ang pagbabago sa Saligang Batas, lalawig ang termino ni Bongbong Marcos Jr. at kanyang mga alipures. Magiging balon naman ang MIF ng salaping magagamit ni Marcos Jr. para suhulan ang mga burukrata kapitalista at makuha ang kanilang katapatan sa kanyang paghahari. Hihigupin din ng maluhong pamilya ang pondo para gastusin sa sarili nilang kapritso, tulad ng ginawa nila noong panahon ng batas militar sa ilalim ng matandang Marcos.
Matibay ang mga batayan para labanan at pigilan ang pagsasabatas ng MIF. Nauna nang inilantad, hindi lamang ng mga pambansa-demokratikong pwersa kundi maging ng mga ekonomista mula sa akademya at mga burges na eksperto sa pinansya, na wala sa lugar at kahangalan ang pagkakaroon ng Pilipinas ng isang sovereign fund sa anyo ng MIF. Walang sobrang pondong magagamit ang gubyerno para rito kaya’t huhugutin ito mula sa perang ipon ng mamamayan. Napakalaking kataksilan sa mga manggagawa at kawani ng gubyernong nag-impok ang paggalaw ng kanilang pensyon para ilagay lang sa MIF.
Dagdag pa, ngayong salat na salat ang mamamayan dahil sa pagliit ng halaga ng kanilang kita, mas mainam na mamuhunan ang gubyerno sa serbisyong panlipunan at mga programang may direktang epekto sa kalidad ng buhay ng masang anakpawis. Luging-lugi na ang taumbayan sa hatian sa pondo dahil sa pagtitipid ng estado sa serbisyo at pagpapauna sa gastusing militar at kontra-insurhensya—kalabisan nang ipataw pa ang MIF na kukurakutin lang ng naghaharing pangkating Marcos-Duterte!
Dapat salubungin ng mga protesta at iba’t ibang anyo ng pagkilos ng bayan ang garapalang pagraratsada ng Kongreso para ipasa ang MIF. Dapat iparating sa mga kinatawan sa Kamara at mga senador ang mariing pagtutol ng mamamayan at igiit ang pagbabasura rito. Kailangang pakilusin ang malawak na hanay ng mamamayan mula sa mga batayang sektor, makabayang lingkod bayan at pati akademya upang itambol ang kabulukan ng MIF at buuin ang malakas na opinyong publiko laban dito. Magpatupad ng mga ligal at ekstra-ligal na hakbangin upang biguin ang pakanang MIF.
Muli nating ipakita na ang kolektibong lakas ng mamamayan ay higit pa sa kapangyarihan ng mga kurakot at gahaman na tauhan ng ilehitimong rehimeng Marcos-Duterte sa Kongreso. Labanan at huwag pahintulutan ang MIF!###
https://philippinerevolution.nu/statements/buklurin-ang-bayan-upang-labanan-at-ibasura-ang-marcos-investment-fund/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.