Thursday, June 15, 2023

CPP/NDF-Rizal: Sibilyang iligal na inaresto ng AFP-PNP sa Rizal, palayain!

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Jun 15, 2023): Sibilyang iligal na inaresto ng AFP-PNP sa Rizal, palayain! (Civilian illegally arrested by AFP-PNP in Rizal, release!)
 


Arman Guerrero
Spokesperson
NDF-Rizal
National Democratic Front of the Philippines

June 15, 2023

Kinukundena ng NDF-Rizal ang iligal na pag-aresto kay Danilo Acayin, isang residente ng Brgy. Puray, Rodriguez, Rizal noong Hunyo 5, ala-1 ng hapon. Dinakip si Acayin sa covered court ng Brgy. Puray nang walang ipinapakitang warrant of arrest. Sinampahan siya ng gawa-gawang kasong murder. Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP-CIDG sa Antipolo City si Acayin.

Walang habas na harasment, surveillance at intimidasyon ang isinasagawa ng 80th IBPA, PNP-Rizal at NTF-ELCAC sa pamilya ni Acayin mula pa 2020. Kasama ang iba pang residente ng Brgy. Puray, tinututulan ni Acayin ang anti-mamamayang proyektong Wawa-Tayabasan Dam dahil sa mapaminsalang epekto nito sa kanilang buhay, kabuhayan at kapaligiran. Ginagamit din ang mga pwersang ito ng AFP-PNP sa pagpapalayas sa mga residente mula sa kanilang mga lupa at tirahan para bigyang-daan ang proyekto.

Isang kabalintunaan ang deklarasyon ng NTF-ELCAC na “cleared barangay” ang Puray gayong patuloy na isinasailalim ang lugar sa kampanyang panunupil ng pasistang ahensya sa anyo ng red-tagging, harasment, sapilitang pagpapasuko at mass surveillance. Patuloy na kinakasangkapan ang Anti-Terrorism Law upang kasuhan ng rebelyon, murder at/o illegal possession of firearms and explosives at supilin ang mamamayang nakikibaka para sa kanilang mga karapatan. Marami na sa mga gawa-gawang kaso nito ang ginamit ng PNP-Rizal sa kanilang mga pang-aresto.

Mula 2019 ay isa na sa mga naging pokus ng PTF-ELCAC sa Rizal ang Brgy. Puray. Halos kada taon ay dinagdagan ng kampo ang barangay at nagkaroon ng kaakibat na perwisyo sa kabuhayan at araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan sa mga sinaklaw nitong sityo. Sa Maugraw ng Sityo Quinao, kadikit lang ng bahayan ang pwesto ng isang kampo ng 80th IBPA.

Noong 2020, sa kasagsagan ng pandemya, hinaharangan ng 80th IBPA ang mga residenteng pupunta sa kanilang kaingin na tanging pagkakakitaan at pagkukunan nila ng makakain. Sinamantala ng NTF- at PTF-ELCAC ang panahon ito para sa mahigpit na pagmamanman sa mga residente.

Ang magkapatid na Abner at Edward Esto ay mga residente ng Brgy. Puray at mga biktima ng sapilitan at pekeng pagpapasuko ng PTF-ELCAC. Nang maganap ang Bloody Sunday Massacre noong 2021, natagpuan silang patay matapos ipatawag ng 80th IBPA para sa ayuda mula sa huwad na E-CLIP.

Sa kabila ng pagmamalaki ng dating tagapagsalita ng NTF-ELCAC na si Antonio Parlade na saklaw ito ng Barangay Development Plan bilang cleared barangay, walang ni anumang natamasa ang mamamayan na nakapagpaunlad ng kanilang kabuhayan.

Nananawagan ang NDF-Rizal sa mga tunay na lingkod bayan, grupong makatao, para-legal, abogado at iba pang organisasyong mapagmahal sa demokrasya na tulungan si Acayin at iba pang mga biktima ng inhustisya at karahasan ng estado. Dapat ipabasura ang gawa-gawang kasong isinampa sa kanya.

Gayundin, nararapat suportahan ang lokal na laban ng mga taga-Puray at iba pang usapin sa buhay at kabuhayan ng mga RizaleƱo. Bigyan sila ng mga tulong at kaalaman para higit na depensahan ang kanilang komunidad at ipaglaban ang kanilang karapatan.

Samantala, malinaw ang tahasang paglabag maging sa batas ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas ng mga berdugong AFP-PNP. Dapat silang panagutin sa kanilang mga krimen.###

https://philippinerevolution.nu/statements/sibilyang-iligal-na-inaresto-ng-afp-pnp-sa-rizal-palayain/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.