Monday, May 8, 2023

Kalinaw News: Matagumpay na engkwentro ng 83IB muling naitala sa Catanduanes

From Kalinaw News (May 7, 2023): Matagumpay na engkwentro ng 83IB muling naitala sa Catanduanes (Successful encounter of 83IB again recorded in Catanduanes)



Mga Pinagbabawal na Pampasabog at Baril ng mga CTG Nasamsam ng mga Sundalo

Camp Elias Angeles, San Jose, Pili, Camarines Sur – Muling naitala ang sampung (10) minutong bakbakan sa pagitan ng 83IB at ng tinatayang limang (5) miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Sitio Caglatawan, Brgy JMA, San Miguel, Catanduanes, alas-2 ng hapon, Mayo 3.

Sa kabila ng sunod-sunod na engkwentrong naitala ngayong Linggo at patuloy na pakikipagtulungan ng mga komunidad, ay mas lalong pinaigting ng kasundaluhan ang kanilang ang mga operasyong pang-seguridad lalong lalo na sa mga liblib na lugar. Wala namang naiulat na sugatan o namatay sa panig ng sundalo at patuloy na inaalam pa sa panig ng nagsitakas na grupo. Nasamsam naman ng mga otoridad ang limang (5) ipinagbabawal na pampasabog o anti-personnel mines, isang (1) M16 rifle, pitong (7) magazine, isang (1) rifle grenade at iba pang personal na kagamitan at gamot ng mga CTG.

Kaugnay nito, isang kagalakan naman ang pinaabot ni Major General Adonis Bajao, Commander ng 9th Infantry (Spear) Division, Philippine Army sa mga magigiting na sundalo na patuloy na ginagampanan ang kanilang sinumpuang tungkulin sa kabila ng panganib, masiguro lamang ang kaligtasan at katahimakan ng bayan. Dagdag pa nito, hindi tumitigil ang kanyang panawagan sa mga CTG na patuloy na nalilinlang nga maling ideolohiya na sumuko na lamang, sapagkat ang maliit nilang mundong ginagalawan at dagdag pwersa ng mga sundalo ay siguradong kamatayan na lamang ang sasapitin ng kanilang patuloy na armadong pakikipagbaka at maling ideolohiya.





[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.]

https://www.kalinawnews.com/matagumpay-na-engkwentro-ng-83ib-muling-naitala-sa-catanduanes/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.