Monday, May 8, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Ehersisyong militar panghimpapawid, inilulunsad ng PAF at tropa ng US sa bansa

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (May 7, 2022): Ehersisyong militar panghimpapawid, inilulunsad ng PAF at tropa ng US sa bansa (Military air exercise, launched by PAF and US troops in the country)






May 07, 2023

Tatagal nang hanggang Mayo 12 ang inilulunsad na ehersisyong militar panghimpapawid na Cope Thunder ng Philippine Air Force (PAF) at US Air Force sa bansa. Nagsimula ito noong Mayo 1, ilang araw lamang matapos ang pinakamalaking ehersisyong Balikatan sa bansa. Inilulunsad ang pagsasanay sa Clark Air Base sa Pampanga. Huling inilunsad ang gayong pagsasanay noong dekada 1990 bago ibinasura ng Senado ang kasunduan para sa pananatili ng mga base militar ng US sa bansa.

Lumalahok sa naturang pagsasanay ang 160 myembro ng US Air Force at 400 tauhan ng PAF.

Ayon mismo sa tagapagsalita ng Philippine Airforce, ang pagsasanay ay may dalawang yugto. Ang una ay para sa mga depensibong aksyon, habang ang pangalawa ay nakatuon sa mga operasyong opensibo. Ang mga opensibong atake ay nakatuon para sa mga mga “kaaway na target” sa ere at sa lupa.

Dalawang beses na idadaos ang Cope Thunder ngayong taon. Ang pangalawang serye ay idadaos mula Hulyo 2 hanggang Hulyo 21.

Tulad ng Balikatan at karagdagang mga “pinagkasunduang lokasyon” ng mga base militar ng US sa bansa sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement, ang Cope Thunder ay kabilang sa estratehiyang pang-uupat ng US laban sa katunggaling imperyalistang bansang China.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/ehersisyong-militar-panghimpapawid-inilulunsad-ng-paf-at-tropa-ng-us-sa-bansa/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.