Monday, May 8, 2023

CPP/NPA-Sorsogon: Pinakamataas na pagpupugay at mapulang pagsaludo ng mga Sorsoganon para kina kasamang Benito at Wilma Tiamzon

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (May 8, 2023): Pinakamataas na pagpupugay at mapulang pagsaludo ng mga Sorsoganon para kina kasamang Benito at Wilma Tiamzon (Highest respect and red salute of the people of Sorsoganon for comrades Benito and Wilma Tiamzon)
 


HIGHEST TRIBUTE TO KA LAAN AND KA BAGONG-TAO, TRIBUTE

Samuel Guerrero
Spokesperson
NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command)
Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)
New People's Army

May 08, 2023

Sa ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng National Democratic Front of the Philippines, ipinabot ng NPA-Sorsogon kasama ng buong rebolusyonaryong pwersa ng prubinsya ang maalab at mapulang pagbati at pagpupugay sa lahat ng mga alyadong rebolusyonaryong organisasyon nito at sa mga rebolusyonaryo na nag-ambag at nag-aambag ng kanilang lakas at talino para sa pagsusulong ng pambansa-demokratikong adhikain.

Binabati at pinagpupugayan natin ang mamamayang Sorsoganon na walang kapagurang tumutulong at nagkakalinga sa mga rebolusyonaryo ¿ armado man o di-armado, sa lihim man o sa hayag, at mahigpit na nagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan. Gayundin, binibigyan natin ng pinakamataas na pagkilala sina Kasamang Wilma at Benito Tiamzon at lahat ng mga martir ng sambayanang Pilipino. Nag-alay sila ng kanilang panahon at buhay sa pakikibaka upang ipagtanggol at isulong ang interes ng masang inaapi at pinagsasamantalahan. Inspirasyon natin ang kanilang mahuhusay na katangian at di-matatawarang naiambag sa pagsusulong at pagtataas ng antas ng demokratikong rebolusyong bayan.

Sa kabila ng matinding militarisasyon sa kanayunan ng Sorsogon, buong tapang at ubos-kayang naglunsad ng mga pagtitipon ang iba’t-ibang yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa prubinsya kasama ang iba¿t-ibang lihim na organisasyon sa ilalim ng NDF para ipagdiwang ang ginintuang anibersaryo nito. Nakapaglunsad sila ng mga talakayan at simpleng selebrasyon. Alinsunod sa atas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas, naglunsad din ang mga Pulang mandirigma ng 21-gun salute sa prubinsya bilang pagbibigay parangal para kina Kasamang Wilma at Benito Tiamzon at sa lahat ng rebolusyonaryong martir ng sambayanan.

Ani nga ng isang aktibistang masa na dumalo sa pagtitipon “Bulag ang pasistang kaaway sa mga aktibidad na ito dahil sa malakas at mahigpit na suporta at pakikipagkoordina ng masa sa mga eryang pinaglunsaran ng mga pagdiriwang!”.

Napakapaborable ng sitwasyon para sa pagrerebolusyon. Desidido ang mamamayan sa rebolusyonaryong pagbabago. Kaya inaasahang higit na lalawak, uunlad at maitataas ang antas ng rebolusyonaryong pakikibaka sa mga susunod na taon. Panghawakan ang mga tagumpay na nakamit natin sa mga nakaraang taon at patuloy na sumulong sa lahatang panig na gawain. Ang buong rebolusyonaryong kilusan ay nasa wastong landas at direksyon ng pagkilos.

Umuunlad at sumusulong ang rebolusyonaryong kilusan sa prubinsya at sa buong rehiyon ng Bikol sa kabila ng walang humpay at tuluy-tuloy na kontrarebolusyonaryong kampanyang inilunsad ng AFP-PNP ng pasistang rehimeng Marcos-Duterte sa utos ng kanilang among imperyalistang Amerika.

Iisa ang panawagan ng mga kasama at masa sa pagdiriwang, “Makipagkaisa tayo sa mga pwersang progresibo at rebolusyonaryo sa mga pakikibakang antipasista, antipyudal at anti-imperyalista!”.

Mabuhay ang Pambansa-Demokrationg Prente ng Pilipinas!

Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!

Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!

Mabuhay ang Rebolusyong Pilipino!

Talingkas sa pagkaoripon!






https://philippinerevolution.nu/statements/pinakamataas-na-pagpupugay-at-mapulang-pagsaludo-ng-mga-sorsoganon-para-kina-kasamang-benito-at-wilma-tiamzon/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.