Spokesperson
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
May 07, 2023
Lehitimo at nakabatay sa reklamo ng mamamayan laban kay Onaw ang isinagawang aksyong militar ng NPA-Mindoro. Walang nilabag na batas ng digma o kasunduan sa pagtatanggol sa karapatang tao ang NPA-Mindoro sa ginawang ambus kay Pvt. Mayuay Onaw noong Abril 25, salungat sa pahayag ng 203rd Brigade sa katauhan ng bagong upong commanding officer nito na si BGen. Randolph G. Cabangbang.
Una, lehitimong target si Onaw dahil isa siyang regular na sundalo ng 4th IB, batay na rin mismo sa pag-amin ni Cabangbang. Tinatawag si Onaw na “special enlist” ng 4th IB, bilang isa sa 12 Mangyan na sapilitang dinala sa Tanay, Rizal noong Nobyembre 2021 para sumailalim sa pagsasanay militar at reklutahin bilang sundalo.
Mula 2021, naging instrumento si Onaw ng karahasan ng estado laban sa kanyang kapwa katutubong mamamayan. Nagsilbi siyang giya sa mga operasyon at sumama sa pagsalakay sa mga yunit ng NPA at maging sa mga sibilyang komunidad. Naging aktibo rin siya sa sapilitang pagpapasuko at pagrekrut ng mga katutubong Mangyan para maging CAFGU.
Ikalawa, si Onaw ay nasa kapasidad na lumaban noong siya’y ambusin. Sa katunayan, armado siya ng .45 kalibreng pistola ayon sa ulat ng NPA-Mindoro na nasamsam sa kanya. Kilala siyang laging may bitibit na sandata saanman magpunta, minsa’y dalawang armas pa kabilang ang service firearm niya mula sa 4th IB.
Ikatlo, makatarungang tugon ang aksyong militar sa matinding pananalasa ng kampanyang pagpapasuko sa pamayanang Buhid na nagresulta na sa pagpapatiwakal ng anim na katutubo. Hustisya ito para sa kanila at iba pang biniktima ni Onaw at ng pasistang pananalasa ng 203rd Bde sa Occidental Mindoro.
Ipinababatid sa publiko ang katotohanan hinggil sa mga kontra-rebolusyonaryo’t kontra-mamamayang aktibidad ni Onaw upang ipawalang-saysay ang mapanlinlang na pahayag ni Cabangbang. Nakakarimarim na ipininta ng 203rd Brigade si Onaw bilang isang biktima gayong isa siyang pasistang sundalo na kinamumuhian ng kapwa niya katutubo. Ang matagumpay na taktikal na opensiba laban sa kanya ay tagumpay rin ng mamamayang naghahangad ng hustisya.#
https://philippinerevolution.nu/statements/ambus-laban-kay-onaw-sa-occidental-mindoro-lehitimo-at-makatarungan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.