May 08, 2023
Magkakasunod na armadong aksyon ang inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Southern Panay (Napoleon Tumagtang Command) sa timog na bahagi ng isla ng Panay mula Mayo 2.
Una sa serye ang operasyong harasment laban sa mga sundalong nakahimpil sa CAA Detatsment sa Barangay Luyang, Sibalom, Antique sa ganap na alas-10 ng gabi noong Mayo 2.
Sinundan ito ng aksyong pamamarusa ng BHB noong Mayo 5 sa Atrila Builders Inc sa Barangay Cabungaan, Leon, Iloilo. Ang kumpanya ay halos 2 kilometro lamang ang layo sa isang CAA Detatsment sa Barangay Maliao sa naturang bayan.
Sa ulat ng yunit, apat na kagamitan sa konstruksyon ang naparalisa, kabilang na ang backhoe, grader, elf truck, at pison. Tinatayang umabot sa ₱900,000 ang kabuuang halaga ng mga kagamitan.Pinatawan ng kaparusahan ang naturang kumpanya dahil sa maraming reklamo ng mga manggagawa nito tulad ng hindi pagpapasahod ng tama at hindi maayos na kundisyon sa paggawa.
Noon namang Mayo 6, pinasabugan ng mga Pulang mandirigma ang tropa ng Philippine Army na reresponde sana sa kumpanya at maglulunsad ng operasyon laban sa BHB. Pinatamaan ng BHB ang isa sa tatlong van na naglululan ng mga sundalo gamit ang command-detonated explosive (CDEx).
Natumba at sumandal sa bangin ang sinasakyan ng mga sundalo. Dulot ng operasyong demolisyon, napaatras ang tropa ng militar at hindi nagpatuloy sa kanilang nakatakdang operasyon sa lugar.
Kinaumagahan naman ng Mayo 8, pinaputukan ng isang yunit ng NPA ang CAA Detatsment sa Barangay Igcococ, Sibalom, Antique.
“Ang mga aksyong ito’y nagpapakita ng pagsisikap ng mga yunit ng NPA na labanan at biguin ang tumitinding atake ng kaaway sa ilalim ng pasistang rehimeng US-Marcos II,” pahayag ng BHB-Southern Panay.
Giit nila, “sinasalamin din nito ang patuloy at walang humpay na suporta ng mamamayan sa kanilang hukbo at sa rebolusyonaryong pakikibaka.”
https://philippinerevolution.nu/angbayan/4-armadong-aksyon-sa-6-na-araw-inilunsad-ng-bhb-southern-panay/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.