Spokesperson
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
May 07, 2023
Pinatutunayan ng pinakahuling pagbisita ni Ferdinand Marcos Jr. sa US at kanyang mga deklarasyon mula rito na isa siyang malaking sagadsaring tuta ng imperyalismong US. Lantarang paghihimod sa pwet ng kanyang amo ang kanyang sinabing “mahalaga ang mga base militar ng US sa Pilipinas sakaling atakehin ng China ang Taiwan.” Sa loob ng apat na araw, pinatibay niya ang panghihimasok ng US sa Pilipinas at nilako ang bansa sa mga kapitalistang Amerikano.
Naganap ang opisyal na pagbisita ni Marcos Jr. sa White House para kapulungin ang presidenteng si Joe Biden — ang pinakauna matapos ang 10 taon — nitong Mayo 1-4. Bahagi ito ng muling pagtitibay ni Marcos Jr. ng katapatan sa amo nitong imperyalismong US. Pinakamahalagang adyenda sa kanilang usapan ang papel ng Pilipinas sa imperyalistang agresyon ng US sa Asia Pacific lalo ngayong niluluto ang gerang China-Taiwan.
Nagkakabuhol-buhol ang dila ni Marcos Jr. sa pagtatangkang pagtakpan ang pagiging sunud-sunuran ng kanyang rehimen sa kagustuhan ng US na gamitin ang Pilipinas para sa gera laban sa China. Walang maniniwala sa palusot niyang gagamitin para sa disaster response at evacuation site ang mga base militar na ginagamit ng US sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Nakakasuka rin ang pagpapanggap ng kapatid niyang si Imee Marcos na hindi pabor umano sa pagdaragdag ng mga base militar ng US sa bisa ng EDCA.
Malaking kalokohan ang mga palabas na ito. Katunayan, palatandaan ang dumaraming presensya ng mga tropang Amerikano at mga kagamitang pandigma nito sa Pilipinas na naghahanda ang US para sa gera. Sunud-sunod din ang isinasagawang ehersisyo militar ng US, katambal ang iba’t ibang alyadong bansa sa South China Sea. Pinakahuli ang Balikatan exercises na kalahok ang 12,000 pwersang Amerikano at 5,000 tropang Pilipino. Naglaan pa ang Washington ng $100 milyon para sa pagkukumpuni ng mga dati at pagtatayo ng mga bagong base militar ng US sa ilalim ng EDCA.
Nagsisilbi lamang ang reaksyunaryong gubyerno ng Pilipinas para sa mga plano ng US na ihanda ang teatro ng digma laban sa China. Makailang serye ng pang-uupat ang isinasagawa ng US magmula pa noong pumihit ito sa Asia Pacific isang dekada na ang nakalipas. Itinakda pa ng US ang Pilipinas na kabilang sa first island chain bilang lunsaran nito ng digma sa Asia Pacific. Kung gayon panganib ang dulot ng mga base militar at aktibidad ng US sa teritoryo ng Pilipinas. Magdurusa ang buong bayan sa ngalan ng imperyalistang dominasyon ng US sa rehiyon.
Kahit wala pa mang aktwal na gera malaking pagdurusa na ang hatid ng mga base militar ng US sa mamamayang Pilipino. Mahaba ang kasaysayan ng pangangamkam sa mga lupaing ninuno’t sakahan, pambubusabos at pagpapalayas sa mga minoryang mamamayan at masang magsasaka sa ngalan lamang ng pagtatayo ng mga base militar ng US. Sa paligid ng mga base militar ng US, laganap ang kahirapan, prostitusyon, mga abandonadong bata at iba pang antisosyal at kriminal na mga aktibidad. Nag-iiwan din ito ng toxic wastes mula sa mga pagsasanay militar.
Anumang pagpapanggap ang gawin ni Marcos Jr., malinaw na tuta siya ng imperyalismong US at taksil sa bayan. Katulad ng kanyang lolo na naging Makapili noong panahon ng pananakop ng Hapon at amang diktador na isa ring tuta ng US, binebenta niya ang soberanya ng Pilipinas kapalit ang suporta ng mga ito sa kanyang paghahari. Tiyak na hinihingi niya ang basbas ng US para sa niluluto niyang charter change. Desperado si Marcos na makuha ang tulong at suporta ng US para mapangibabawan ang iba pang pampulitikang dinastiya sa Pilipinas lalo ang mahigpit nitong karibal na mga Duterte.
Dapat patuloy na ilantad ang pagpapakatuta ng pamilya Marcos sa imperyalismong US. Walang maaasahan ang bayan sa taksil at gahamang pamilya na ito na dating nakapaghari at ngayo’y nakabalik sa kapangyarihan sa kumpas ng imperyalismong US.
Nararapat lamang na pag-ibayuhin ng bayan ang anti-imperyalistang pakikibaka para ipaglaban at igiit ang tunay na pambansang kalayaan at demokrasya. Gawin ang lahat ng anyo ng pakikibaka para tutulan at labanan ang imperyalistang agresyon sa teritoryo ng Pilipinas at Asia Pacific.
Itambol ang mga panawagang “Palayasin ang mga pwersang Amerikano” at “Ibasura ang mga di pantay na kasunduang militar sa pagitan ng US at Pilipinas”. Kasabay nito, nararapat ding kundinahin at tutulan ang panghihimasok ng China sa West Philippine Sea. Dapat buuin ang pinakamalawak na alyansa ng mga patriyotikong pwersa upang labanan ang imperyalismo.
Sa panahon ng imperyalistang gera, nararapat na papag-alabin ang demokratikong rebolusyong bayan bilang natatanging solusyon ng sambayanan upang makaalpas sa kuko ng imperyalismo. Nananawagan ang Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog sa lahat ng makabayan at patriyotikong Pilipino na isulong ang digmang bayan, sumapi sa NPA bilang natatanging solusyon para labanan at gapiin ang imperyalistang dominasyon sa bansa.###
https://philippinerevolution.nu/statements/marcos-jr-sagadsaring-tuta-ng-us/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.