Monday, May 8, 2023

CPP/NPA-Front 12/NPA-Southern Panay: Sunud-sunod na taktikal na opensiba, inilunsad ng NPA-Southern Panay

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (May 8, 2023): Sunud-sunod na taktikal na opensiba, inilunsad ng NPA-Southern Panay (The NPA-Southern Panay launched a series of tactical offensives)
 


Ariston Remus
Spokesperson
NPA-Front Twelve (Napoleon Tumagtang Command)
NPA-Southern Panay
Panay Regional Operational Command
New People's Army

May 08, 2023

Matagumpay na nakapaglunsad ng mga aksyong militar ang mga yunit sa ilalim ng Napoleon Tumagtang Command, NPA-Southern Panay nitong buwan ng Mayo. Isang aksyong harasment sa CAA Detatsment sa Barangay Luyang, Sibalom, Antique ang inilunsad, alas-10 ng gabi noong Mayo 2, 2023. Nitong Mayo 5, 2023, isa namang aksyong pamamarusa ang ipinatupad ng isang yunit ng NPA sa Patrila Builders Inc sa Barangay Cabungaan, Leon, Iloilo na halos 2 kilometro ang layo sa isang CAA Detatsment sa Barangay Maliao sa parehong bayan. Apat na heavy equipments (backhoe, grader, elf truck, pison) ang sinunog ng BHB.

Ala una ng madaling araw ng Mayo 6, 2023, pinasabugan ng command detonated explosive ang sana’y magsasagawa ng hot pursuit operation na Philippine Army sakay ng dalawang van. Tinarget ng command-detonated explosive (CDEx) team ang huling van. Nakita pa ng mga kasama ang pagkatumba at pagkasandal nito sa bangin. Napilitang bumalik ang nakasakay sa naunang van para saklolohan ang huli. Hindi na nakapagpatuloy ng kanilang operasyon ang naturang kaaway. Open secret na ito sa mga lugar na pinangyarihan, subalit hindi ito lumabas sa mainstream media dahil kontrolado ito ng kaaway. Kinaumagahan naman ng Mayo 8, 2023 hinaras din ng isang yunit ng NPA ang CAA Detatsment sa Barangay Igcococ, Sibalom, Antique.

Ang Patrila Builders Inc. ay matagal nang inirereklamo ng mga manggagawa nito dahil sa kanilang mapansamantala at hindi maayos na kundisyon sa pagtrabaho. Ayon sa mga impormasyon na nakuha ng BHB maraming manggagawa sa konstruksyon nito ang hanggang ngayon hindi pa nabigyan ng sweldo. May ilan na kukubra pa sana ng P30,000 at mayroon pa raw na hindi bababa sa P100,000 ang hindi nababayaran sa mga manggagawa.

Ang mga aksyong ito’y nagpapakita ng pagsisikap ng mga yunit ng NPA na labanan at biguin ang tumitinding atake ng kaaway sa ilalim ng pasistang rehimeng US-Marcos II. Sinasalamin din nito ang patuloy at walang humpay na suporta ng mamamayan sa kanilang hukbo at sa rebolusyonaryong pakikibaka.

https://philippinerevolution.nu/statements/sunud-sunod-na-taktikal-na-opensiba-inilunsad-ng-npa-southern-panay/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.