Posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Mar 29, 2021): Mga aksyong pamamarusa ng BHB-Bikol laban sa mapaminsalang pagmimina
RAYMUNDO BUENFUERZASPOKESPERSON
BICOL REGIONAL OPERATIONAL COMMAND (ROMULO JALLORES COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY
MARCH 29, 2021
Pulang pagsaludo para sa lahat ng kumander at Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan sa matatagumpay na aksyong pamamarusa sa mga lokal at dayuhang kumpanya ng pagmimina at taktikal na opensiba laban sa mga yunit ng militar at pulis na nagpuprotekta sa mga mapaminsalang operasyon ng mga ito sa iba’t ibang prubinsya ng Bikol.
Mula Marso 19 hanggang Marso 23, ng kasalukuyang taon, naglunsad ang BHB ng serye ng mga aksyong militar. Nilusob ng Pulang Hukbo ang kampo ng militar at pulis sa Labo, Camarines Norte na nagsisilbing security forces sa muling pagsisimula ng operasyon ng Mt. Labo Mining Exploration – kumpanya sa pagmimina na pag – aari ng mga dayuhan. Nakasamsam ang BHB ng kabuuang 14 armas, napatay ang 5 pulis at hindi bababa sa tatlo ang sugatan sa kanilang kasamahan. Tinambangan at pinasabugan ng command detonated explosives ang yunit ng kaaway sa Masbate City, Masbate. Sangkot ang mga ito sa pandarahas at pagpaslang sa mga magsasakang tumututol sa operasyon ng Matibay Cement Factory at Filminera Mining Corporation at marahas na pangangamkam ng lupa para sa mapangwasak na dambuhalang proyektong Empark. Napatay ang dalawang elemento ng kaaway at isa naman ang sugatan. Pinaralisa ang operasyon ng Ibalong Resource Development Company sa barangay Miiti, Camalig, Albay. Ang paggiba ng nasabing kumpanya sa mga bundok sa bayan ng Camalig at mga katabing bayan ay umaagaw sa lupa ng magsasaka, pumipinsala sa kalikasan at kalusugan ng mga residente.
Nagbubunyi ang buong rehiyon sa isang antas ng rebolusyonaryong hustisyang nakamit para sa lahat ng dinahas, tinakot, sapilitang ikinulong, dinukot at pinaslang. Isa din itong antas ng rebolusyonaryong hustisya para sa lahat ng magsasakang pinagnakawan ng lupang matatamnan at nawalan ng kabuhayan. Nagagalak ang mamamayang Bikolano sa paniningil at pagpapanagot sa pulis at militar na ipinakat sa iba’t ibang panig ng rehiyon para proteksyunan ang mga hungkag na proyektong pang-imprastruktura at mapaminsalang pagmimina.
Magsilbing babala ang mga aksyong pamamarusang ito sa mga kumpanya at kasabwat nilang mga opisyal ng gubyerno na sangkot sa operasyon ng mapaminsalang pagmimina sa rehiyon. Napatunayan sa mga nagdaang kalamidad, na ang iresponsableng pagmimina ay nagdudulot ng grabeng pinsala sa buhay at kabuhayan ng mamamayan.
Makakaasa ang mamamayang Bikolano na patuloy na gagampanan ng RJC-Bikol ang pagtatanggol nito sa interes ng sambayanan. Makatwiran na harapin ng rebolusyonaryong dahas ang kabangisan ng papet, abusado, kurap at taksil sa bayang rehimeng Duterte. Makakaasa ang masang Bikolnon, na sa kanilang pagsuporta at paglahok sa armadong pakikibaka, higit na mapapalakas at maipagwawagi ng sambayanang Pilipino ang pagpapahina, pagpapabagsak at pagpapanagot sa reaksyunaryong estado sa lahat ng krimen nito sa mamamayan.
Mabuhay ang ika-52 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan!
Nasa satuyang pagkasararo asin pagbungkaras an pagkalda sa katingatingan!
https://cpp.ph/statements/mga-aksyong-pamamarusa-ng-bhb-bikol-laban-sa-mapaminsalang-pagmimina/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.