Posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Mar 29, 2021): Mula sa Katipunan ng Gurong Makabayan (KAGUMA), mapulang pagsaludo sa ika-52 na anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)!
BALANGAY JESSICA SALESKATIPUNAN NG MGA GURONG MAKABAYAN-SOUTHERN TAGALOG
NDF-SOUTHERN TAGALOG
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
MARCH 29, 2021
Pinakamataas na pagkilala at pagpupugay ang ipinaaabot ng hanay ng mga makabayang guro sa BHB dahil sa hindi matatawarang sakripisyo ng mga Pulang Mandirigma. Ito ay alang-alang sa pagsusulong ng digmang bayang magpapalaya sa bansa mula sa bagsik ng pasismo sa pangunguna ng rehimeng Duterte kasapakat ang imperyalistang Estados Unidos.
Sa nakalipas na taon, lalong bumaon ang pangil ng pagpapahirap sa mga mamamayang Pilipino dahil sa krisis na idinulot ng pagpapabaya ng gubyerno sa pagtugon sa pandemyang Covid-19. Milyong-milyon ang nawalan ng hanapbuhay, milyon-milyon ang nagugutom. Dulot ng kawalan ng kahandaan at kongkretong plano, nananatili ang gubyerno sa pagpapatupad ng militarisadong quarantine. Kasabay rin nito ang pagsasantabi sa siyentipikong pagsusuri sa krisis; bagkus ay pinaigting pa ang kontra-rebolusyonaryong gera at pagpapalakas ng opensibang militar ng PNP at AFP sukdulang gamitin din ito sa pandarahas at pananakot sa taumbayan. Isinasantabi ang medikal na pagtugon sa sakit para sa kapakanan ng pagpapalago ng ekonomyang hindi rin naman nakatali sa kagalingan ng mga mamamayan.
Sa kabila nito, patuloy ang pagpupunyagi ng BHB sa pakikipaglaban para sa pagpapalaya ng bayan mula sa ugat ng krisis na ito. Sa suporta ng mga masang magsasaka, ng mga manggagawa sa pabrika at akademya, at ng malawak pang hanay ng mga nakikipaglabang mamamayan, tinitiyak nito ang pagkabigo ng teroristang rehimeng US-Duterte sa lalo pang pagkakalat ng lagim.
Naniniwala ang KAGUMA na hindi kailanman magwawakas ang pangangailangan sa armadong rebolusyon hangga’t naririyan ang tunay na virus – ang pasistang estado. Kaya nananatili ang maigting na pagpapanawagan sa mga makabayang guro at estudyante na lalo pang ilantad ang tunay na kalagayan ng mala-pyudal at mala-kolonyal na kalagayan ng lipunan at tumungo sa kanayunan!
Mabuhay ang ika-52 taong anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan!
Wakasan ang pasistang rehimeng Duterte!
Sumapi sa Katipunan ng Gurong Makabayan!
Isulong ang digmang-bayan!
https://cpp.ph/statements/mula-sa-katipunan-ng-gurong-makabayan-kaguma-mapulang-pagsaludo-sa-ika-52-na-anibersaryo-ng-bagong-hukbong-bayan-bhb/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.