Posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Mar 29, 2021): Ipagbunyi ang ika-52 anibersaryo ng New People’s Army sa pagpapabagsak sa pasistang diktadurang US-Duterte!
BALANGAY ANDRES BONIFACIOKABATAANG MAKABAYAN (KM)
Mapulang rebolusyonaryong pagbati ang ipinapaabot ng Kabataang Makabayan – Andres Bonifacio sa lahat ng mga Pulang Mandirigma, nagdiriwang na masa, at sa buong rebolusyonaryong kilusan para sa ika-52 na anibersaryo ng pagkakatatag ng New People’s Army (NPA), ang tunay na hukbo ng mamamayan.
Sa panahon ng pag-igting ng krisis ng pandaigdigang sistemang kapitalista at pagpupunyagi ng mga anti-imperyalistang pakikibaka at proletaryong rebolusyon, pinatunayan ng NPA ang bakal nitong disiplina at maalab na diwa ng paglilingkod sa sambayanan. Sa pagtindi ng palagiang krisis sa ating malakolonyal at malapiyudal na lipunan, at ang tumitinding tunggalian ng mga uri, mahigpit na ipinatutupad ng NPA, sa pamumuno ng ating pinakaminamahal na Partido Komunista ng Pilipinas, ang pagsulong ng demokratikong rebolusyong bayan hanggang mahinog na ang mga kondisyon para sa pagdaluyong mula kanayunan patungong kalunsuran at ibagsak ang nabubulok na sistema at ipunla ang binhi ng panibago.
Bunsod ng muog na buong pagkakaisa at husay ng Hukbo at Partido sa ideolohiya, politika, at organisasyon, lalong pinakawalan ng kontra-rebolusyonaryong rehimen ni Duterte ang mababagsik na berdugo nito sa AFP, PNP, at kanyang huntang militar na NTF-ELCAC. Kabi-kabilang paglabag sa karapatang pantao, pambobomba, pag-aresto, paniniktik, at pamamaslang ang tugon ni Duterte sa isang taong panawagan ng mamamayan para sa bakuna, ayuda, dagdag sahod, edukasyon, at paggalang sa karapatang pantao at internasyunal na makataong batas. Desperado ang rehimeng US-Duterte na supilin ang paglaban ng mamamayan kaya’t pasismo ang kinakapitan nito para pantalihin ang kontrol sa estado at ekonomiya. Sa hanay ng rebolusyonaryong kilusan, tuloy-tuloy ang atake ng mga kaaway sa mga larangang gerilya. Pinaslang din nila ang mga mahuhusay na kadre kagaya nila Antonio “Ka Manlimbasog” Cabanatan at Florenda “Ka Osang” Yap, mga NDFP peace consultant na si Randall “Ka Randy” Echanis, at mag-asawang Agaton “Ka Boy” Topacio at Eugenia “Ka Fiel” Magpantay, at marami pang martir ng bayan ng rebolusyon.
Malaking kahangalan ang propaganda ng estado hinggil sa “terorismo” ng NPA. Hindi terorismo ang pagpapatupad ng rebolusyong agraryo para sa kapakanan ng magsasaka. Hindi terorismo ang pagkaisahin at organisahin ang masa upang itatag ang lipunang walang pang-aapi at pagsasamantala. Higit lalo, hindi terorismo ang paglahok sa armadong pakikibaka, ang pinakamataas na porma ng pakikibaka, para buong pusong ialay ang sarili at buhay sa tagumpay ng rebolusyon. Makatwiran ang pakikidigmang bayang inilulunsad ng NPA dahil bunga ito ng sumisidhing krisis ng isang papadausdos na lipunan.
Ang numero-unong terorista sa bansa ay walang iba kundi si Duterte. Nasa kanyang mga kamay ang dugo ng daan-daang magsasaka, unyonista, aktibista, at mga mamamayang sinisikil ng kanyang di-makataong terorismo at kriminal na kapabayaan sa COVID-19. Hitik din ang kanyang diktadura sa mga anti-mamamayang batas at polisiya gaya ng Oplan Tokhang, TRAIN Law, Build, Build, Build, defacto martial law, CREATE LAW, at pagkulimbat sa 4-trilyong utang ng bansa. Malinaw, si Duterte ang terorista at hindi ang NPA.
Araw-araw lalong nailalantad ang mga batayan para magprotesta at maghimagsik ang mga kabataan at mamamamayan. Sa pagsulong ng bawat taon, humihinog ang mga obhetibong kondisyon para magrebulusyon. Tumitindi ang krisis ng imperyalismo at mga epekto ng neoliberal na mukha nito sa mga malakolonya. Bumabagsik ang masahol na hitsura ng pyudalismo at ang mga atrasado’t malapyudal na ekonomiya. Ngayong pandemya, hindi na maikubli ang burukrata-kapitalismo sa pagkamal ng superganansya sa gobyerno. Ang mga salik na ito ay matabang lupa para ipagtagumpay ang rebulusyon.
Dapat gulantangin ng sanlibo’t isang protesta ang mga lansangan para panagutin ang rehimeng Duterte sa kanyang mga krimen. Tinatawagan din ang lahat ng mga kabataan na tumungo sa kanayunan at sumapi sa New People’s Army upang ibagsak ang malakolonyal at malapyudal na lipunan at sumulong sa yugto ng sosyalistang rebulusyon. Primaryang tungkulin ng lahat ng kabataan ang magmulat, mag-organisa at magpakilos para sa rebulusyon at sa pagpapabagsak sa pasistang diktadura ni Duterte.
Sundan natin ang yapak ng mga kabataang makabayang yumakap sa landas ng armadong pakikibaka; mga dakilang Komunista na walang-atubiling pinaglingkuran ang sambayanan. Maalala at pinagpupugayan natin ang lahat ng mga martir ng bayan, mga Pulang mandirigma at kadre ng Partido, na hinawan ang landas para sa mga susunod pang salinlahi ng rebolusyon. Pulang saludo at pinakamataas na pagpupugay kina Monico “Ka Togs” Atienza, Lorena Barros, William Begg, Melito Glor, Christine Puche, Graziella Miranda, Erika Salang, Recca Monte, Wendell Gumban, Tania Domingo, Ian Dorado, at sa lahat ng kabataang nangarap at kumilos para sa pagsulong ng rebulusyon sa 52 taon.
Ipinapaalala saatin ni Kasamang Mao Zedong, isang dakilang gurong Komunista, na ang “karanasan natin sa tunggalian ng uri sa panahon ng imperyalismo ay nagtuturo na tanging sa kapangyarihan lamang ng baril magagapi ng proletaryado at ng sambayanan ang armadong naghaharing-uri; tanging sa pamamagitan lamang ng baril maitratransporma ang mundo.” Kaya, sumampa na sa NPA at ibagsak ang pasistang diktadura ni Duterte.
Muli, pulang saludo sa buong rebulusyong kilusan at sa New People’s Army sa ika-52 taong anibersaryo nito. Hangad namin ang mas marami pang tagumpay sa taktikal na opensiba, gawaing masa, at edukasyong pampulitika para sa pagsulong ng pambansa-demokratikong rebulusyon sa susunod na estratihikong yugto hanggang sa ganap na tagumpay.
MABUHAY ANG BAGONG HUKBONG BAYAN!
ISULONG ANG DEMOKRATIKONG REBULUSYONG BAYAN!
KABATAAN, SUMAPI SA NPA!
https://cpp.ph/statements/ipagbunyi-ang-ika-52-anibersaryo-ng-new-peoples-army-sa-pagpapabagsak-sa-pasistang-diktadurang-us-duterte/
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
MARCH 29, 2021

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.