Tuesday, March 30, 2021

CPP/NDF-KM-Metro Manila: Pulang Saludo sa Bagong Hukbong Bayan!

Posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Mar 29, 2021): Pulang Saludo sa Bagong Hukbong Bayan!

KABATAANG MAKABAYAN-METRO MANILA (LUZILLE GYPSY ZABALA BRIGADE)
NDF-METRO MANILA
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES

MARCH 29, 2021


Pinagpupugayan ng Kabataang Makabayan – Brigada Lucille Gypsy Zabala ang Bagong Hukbong Bayan sa ika-52 nitong Anibersaryo.

Ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang nananatiling tunay na hukbo ng sambayanan na ipinapaglaban ang interes ng malawak na sambayanan sa ilalim ng mala-kolonyal at malapyudal na sistemang panlipunan. Walang-kapaguran nilang isinusulong ang demokratikong rebolusyong bayan sa malawak na kanayunan hanggang sa ganap nitong tagumpay.

Isang taon na ang nakalipas mula nang ipataw ng rehimeng US-Duterte ang militaristikong lockdown sa malawak na bahagi ng bansa upang makontrol daw ang pagkalat ng COVID-19 ngunit mas nagsadlak sa milyon-milyong mamamayan sa gutom, kahirapan at lumalalang pasismo ng estado. Walang intensyon ang rehimeng Duterte na tapusin ang pagdurusang ito dahil mas gusto nitong iwasiwas ang pasismo laban sa karaniwang mamamayan, mga progresibo at higit sa lahat, laban sa rebolusyonaryong kilusan.

Ngunit nagkakamali si Duterte kung naiisip niyang matatapos ang rebolusyon gamit ang Oplan Kapanatagan, ang kanyang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at ang militaristikong lockdown. Ang patuloy na panunupil at pagpapahirap sa mamamayan ang magtutulak sa kanilang tumungo sa kanayunan upang tumangan ng armas. Tiyak na mauuna pang matapos ang paghahari ni Duterte at mga susunod pa sa kanya lalo pa’t nagpapatuloy ang pagdurusa ng masang api.

Sa obsesyon ng Rehimeng Duterte na tapusin ang rebolusyonaryong kilusan sa ilalim ng kaniyang termino, ibinubuhos niya ang pagkabigo na lipunin ang ito sa mga hindi armado, sa mga aktibista at mga kritiko nito na nagdulot ng malawakang pamamaslang at paghuli sa mga inosenteng mamamayan. Ang ganitong pagpapatuloy ng pananakot ng estado ay magreresulta lamang sa paglawak ng hanay ng Bagong Hukbong Bayan na lalaban sa pasistang estado ni Dutere.

Pinagpupugayan namin ang matagumpay at sunod-sunod na taktikal na opensiba ng BHB sa Camarines Norte, Sorsogon, Negros Oriental, Bukidnon at iba pang mga probinsya laban sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP). Patuloy na pinabubulaanan ng ating hukbo sa dumarami nitong pwersa ang mga pahayag ng kampon ng rehimeng US-Duterte na malapit na raw maubos ang Bagong Hukbong Bayan. Patuloy na hinaharap ng BHB ang doktrinang pangmilitar na Focused Military Operations o FMO na naglalayong tambakan ng mga batalyong pormasyon ng pasistang tropa ang maliit na saklaw ng teritoryo na nagreresulta lamang sa pang-aabuso sa masang anakpawis sa kanayunan.

Nakakaasa ang mamamayan na ang Kabataang Makabayan – Brigada Lucille “Gypsy” Zaballa ay patuloy na magiging balon ng mga rebolusyonaryong kadreng kabataan na tutungo sa kanayunan at isasabuhay ang armadong pakikibaka. Sama-sama nating bibiguin ang mga pasistang atake ng gobyerno laban sa mamamayan at magpursiging isulong ang pambansang demokratikdong pakikibaka na may sosyalistang perspektiba. Malinaw na sa armadong pakikibaka lang natin makakamit ang tunay na kalayaan at demokrasya!

KABATAAN, TUMUNGO SA KANAYUNAN, SUMAPI SA BAGONG HUKBONG BAYAN!

MABUHAY ANG IKA-52 NA ANIBERSARYO NG BAGONG HUKBONG BAYAN!

MABUHAY ANG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS!

MABUHAY ANG PAMBANSANG NAGKAKAISANG PRENTE!###

https://cpp.ph/statements/pulang-saludo-sa-bagong-hukbong-bayan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.