Posted to Kalinaw News (Dec 13, 2020): 3 miyembro ng NPA, sumuko sa bayan ng Jose Abad Santos, Dav Occ.
Malita, Davao Occidental – Sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan ng Brgy. Mangili, kasundaluhan at kapulisan, sumuko ang tatlong (3) miyembro ng NPA sa bayan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental nitong ika-12 ng Disyembre 2020.
Sa pamamagitan ni Leslie Robia, Punong Barangay ng Mangili, JAS, sumuko ang tatlong rebelde na sina alyas Dagoy, alyas Anji at alyas Jordy na mga miyembro ng GF Tala, FSMR. Sila ay sinamahan ng kasundaluhan ng Bravo Company, 73IB, 10ID, PA upang mapangasiwaan ang pagproseso ng kanilang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP)
Ayon kay alyas Dagoy na asawa ni alyas Anji kanyang nabanggit na mayroon silang anak na nawalay sa kanila pagkasilang. “Karong umaabot nga Pasko gusto namon makauban ang among anak. Tatlo na ka tuig ang nilabay sukad biyaan namo siya. Gusto namo nga hingpit ug pun-on ang tawo nga dili namon kauban,” ibinahagi ni alyas Anji.(Sa nalalapit na pasko ay gusto naming makasama ang aming anak. 3 taon na mula nang siya ay iniwan namin. Gusto naming maging buo at punan ang taong hindi namin siya nakasama)
Ibinahagi naman ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez INF (GSC) PA, ang Pinuno ng 73IB, ang kanyang pagsuporta sa desisyong ginawa ng mga sumuko. Kanyang binigyang-diin na ang tatlo ay ieenrol sa ECLIP upang makatanggap ng mga benepisyo ng gobyerno.
Sa katunayan, mayroon nang 89 na mga dating rebelde ang nasa pangangala ng 73rd Infantry Battalion simula nitong Enero 2020. Nagkaroon na din sila ng training at seminar bilang parte ng benepisyo na matatanggap ng mga ito.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.