Monday, December 14, 2020

CPP/Bicol ROC: Ambus sa Brgy. Baay, Labo, Camarines Norte, Tugon sa Tuluy-tuloy na Opensiba ng AFP sa Katatapos Lamang na Kalamidad at Papalala pang Pandemya

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Dec 13, 2020): Ambus sa Brgy. Baay, Labo, Camarines Norte, Tugon sa Tuluy-tuloy na Opensiba ng AFP sa Katatapos Lamang na Kalamidad at Papalala pang Pandemya

RAYMUNDO BUENFUERZA
SPOKESPERSON
BICOL REGIONAL OPERATIONAL COMMAND
ROMULO JALLORES COMMAND
NEW PEOPLE'S ARMY

DECEMBER 13, 2020


Share and help us bring this article to more readers.

Pinagpupugayan ng Romulo Jallores Command – Bagong Hukbong Bayan Bikol ang matagumpay na ambus na isinagawa ng yunit ng Armando Catapia Command – BHB Camarines Norte laban sa yunit ng 902nd Infantry Brigade sa So. Manlapat, Brgy. Baay, Labo Camarines Norte nito lamang Disyembre 12, 2020. Humigit-kumulang 30 elemento ng militar ang nagsasagawa ng tuluy-tuloy na operasyong kombat sa takot na mabigwasan ng mga Pulang Hukbo bago sumapit ang ika-52 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas. Sa huli, hindi tumalab ang kanilang tusong pag-iwas. Tumagal nang higit dalawang oras ang naturang ambus (12:42 ng tanghali hanggang 3:00 nga hapon) dahil hindi dumaan sa pwesto ng mga bomba ang nananalakay na kaaway subalit nakasamsam ang Pulang Hukbo ng dalawang (2) pistolang Glock 9 mm at walong (8) backpack. Disorganisadong nagtakbuhan ang mga militar sa kaduwagang malipol ng Pulang Hukbo. Samantala, sa inisyal na ulat, dalawa (2) ang naitalang sugatan sa hanay ng militar na sinakay sa helicopter matapos ang ambus.

Tapat sa hangaring ipagtanggol ang masa sa papatinding terorismo ng estado sa ilalim ng rehimeng US-Duterte, handa at buong giting na bibiguin ng Pulang Hukbo ang papasidhing atake ng militar at pulis sa rehiyon. Ang naturang pananambang ay pagpapanagot ng BHB Camarines Norte sa tuluy-tuloy na kontrainsurhensyang operasyon ng 902nd Brigade na walang kinikilalang kalamidad o pandemya.

Maaasahan ang gasgas na disinpormasyong ng AFP na nagsasagawa na naman ng relief operation (kahit walang dalang mga supot ng noodles at sardinas)ang naambus nilang yunit o mayroon na namang nagbigay ng tip sa mula taong baryo kaya naroon sila sa liblib na lugar ng kabundukan ng Labo. Maari ding may kasabay na PNP ang mga halimaw upang maghasik ng pasistang terorismo sa paraang EJK ng sibilyan na diumano ay nanlaban sa pagsilbi ng arrest warrant.

Samantala, buong lugod na sasalubungin ng rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon ang magiging pasya ng Partido Komunista ng Pilipinas kaugnay sa sarili nitong deklarasyon ng tigil-putukan sa mga darating na araw bilang pakikiisa sa Sambayanang Kristiyano sa pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong ng mamamayan sa Bagong Taon. Nakahanda naman ang iba’t ibang nakapailalim na kumand ng BHB-Bikol sa tiyak na papatinding pananalakay ng kaaway ngayong ika-52 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Disyembre 26, may ceasefire man o wala .#

https://cpp.ph/statements/ambus-sa-brgy-baay-labo-camarines-norte-tugon-sa-tuluy-tuloy-na-opensiba-ng-afp-sa-katatapos-lamang-na-kalamidad-at-papalala-pang-pandemya/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.