Saturday, September 12, 2020

Kalinaw News: Ronda Probinsya Program, ibinahagi ng kasundaluhan sa mga mamamayan

Posted to Kalinaw News (Sep 11, 2020): Ronda Probinsya Program, ibinahagi ng kasundaluhan sa mga mamamayan
Malapatan, Sarangani Province – Ang grupo ni Congressman Rogelio Pacquiao kasama ang kasundaluhan ng 73rd Infantry Battalion ay namahagi ng mga kagamitan sa Canvas Juan Farmers Association noong Setyembre 10, 2020 sa Sitio Lanao Kapanglao, Brgy Datal Bukay, Glan Sarangani Province.

Ang mga ibinahaging mga kagamitan ay binubuo ng 12 na sako ng bigas, 6 na kahon ng Chick Loaf, 1 rolyo ng hose para sa patubig, farming Kit, buto ng mga gulay, carpentry equipment, 15 kahon ng abscorbic acid, and 5 toilet bowl.
Napag-alaman na noong Lunes ay nagbigay ng kagamitan si Congressman Pacquiao sa pamamagitan ni Atty. Ryan Ramos ang kanyang Chief Of Staff Political Affairs sa mga kasundaluhan.

Sa pagrepresenta ni 2nd Lieutenant Bernard Cudal, Platun Lider ng Alpha Company kay Lieutenant Colonel Ronaldo G Valdez, Kumander ng 73IB, kanyang nasabi na ang kasundaluhan ang magiging tulay upang ihatid ang serbisyo ng gobyerno sa mga tao.









Dumalo din sa nasabing aktibidades si Hon. Victor James Yap, Sr., Bise Mayor ng Glan, Sarangani Province at Punong Brgy. Rodolfo T. Mabuhay na kung saan namigay ang Bise Mayor ng pagkain sa mga mamamayan.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/ronda-probinsya-program-ibinahagi-ng-kasundaluhan-sa-mga-mamamayan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.