Monday, September 28, 2020

Kalinaw News: Isinagawang pulong-pulong ng Army at LGU naging daan sa pagsuko ng mga NPA mass supporters sa Bukidnon

Posted to Kalinaw News (Sep 27, 2020): Isinagawang pulong-pulong ng Army at LGU naging daan sa pagsuko ng mga NPA mass supporters sa Bukidnon

KIBAWE, BUKIDNON – Isangdaan at walumpu’t-walong (188) mass supporters ng New People’s Army (NPA) ang kusang sumuko nang magsagawa ang 16th Infantry (Maglilingkod) Battalion sa pakikipagtulungan sa Lokal na Pamahalaan ng Kibawe, Bukidnon ng mga serye ng pagpupulong sa limang (5) Barangay ng Kibawe.

Noong Ika-9 ng Setyembre ng taong kasalukuyan, nagsagawa ng Pulong-Pulong ang Community Support Program (CSP) Team ng 16IB katuwang ang lokal na pamahalaan ng Kibawe sa pamumuno ni Hon. Reynaldo S. Ang Rabanes, Municipal Mayor, sa Brgy Kisawa, Kibawe, Bukidnon na nagresulta sa pagsuko ng animnapu’t-anim (66) na NPA supporter na binubuo ng anim na miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL), 24 na miyembro ng Milisyang Bayan (MB), 36 na miyembro ng Underground Mass Organization (UGMO). Ang naturang Pulong-pulong ang nabigay daan din sa boluntaryong pagsuko ng dalawa sa nabanggit na mga Milisyang Bayan (MB) na sina Jerry S Enricoso alyas “Jer” at Leonedes R. Luceño alyas “Carlito” na may dalang dalawang (2) caliber 38, isang (1) caliber 22 at isang (1) homemade shotgun gauge 20.



Naging matagumpay rin ang isinagawang Pulong-Pulong sa Brgy Cagawasan, Kibawe, Bukidnon, na nagresulta sa pagbawi ng Tatlumpu’t Anim (36) na miyembro ng Underground Mass Organization (UGMO) ng kanilang suporta sa Teroristang NPA at pagbalik muli sa gobyerno noong ika-11 ng Setyembre 2020. Gayundin sa Brgy Pinamula noong ika-17 ng Setyembre na mayroong labing-anim (16) na supporter naman na binubuo ng tatlong (3) miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL), tatlong (3) miyembro ng Milisyang Bayan (MB) at sampung (10) miyembro ng Underground Mass Organization (UGMO) ang sumuko sa ating mga CSP Team.

Sa patuloy na pagsasagawa ng mga Pulong-Pulong, noong ika-22 ng Setyembre, pinulong din ng CSP Team ng 16IB ang komunidad ng Brgy Sampaguita, Kibawe, Bukidnon na nagresulta sa boluntaryong pagsuko ng Tatlumpu’t Dalawang (32) NPA mass supporters na binubuo ng limang (5) miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL), 15 miyembro ng Milisyang Bayan (MB) at 12 miyembro ng Underground Mass Organization (UGMO). At kamakailan lang, tatlumpu’t walong (38) miyembro ng Underground Mass Organization (UGMO) sa Brgy Sanipon, Kibawe, Bukidnon ang kusang sumuko sa CSP Team sa naturang barangay sa kasagsagan ng pagsasagawa ng pagpupulong.

Ang isinagawang pulong-pulong ay isang parte ng programa ng Community Support Program na naglalayon na maipaliwanag sa mga taumbayan kung paano sila pinagsamantalahan ng mga teroristang NPA at maipaabot din sa kanila na ang gobyerno ay handang tumulong sa kanila patungo sa maunlad, mapayapa at masaganang pamumuhay.

Dahil dito, ang Philippine Army ay patuloy na ginagampanan ang kanyang tungkulin na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, gayundin ang himukin ang mga natitirang miyembro at supporters ng Teroristang NPA na sumuko na at ibigay ang buong suporta sa gobyerno. Ang pagtutulungan ng 16IB, LGU at iba pang mga ahensya ng gobyerna ang siyang nagbigay daan upang maisagawa nang matagumpay ang aktibidad na ito.

Seryoso ang ating gobyerno upang wakasan ang insurhensiya sa bansa, sa pamamagitan ng Executive Order No. 70 s. of 2019 o ang Whole of Nation Approach in Ending Local Communist Armed Conflict, na naglalayon na ang bawat ahensiya ng gobyerno at mga mamamayan ay maggtutulong-tulong upang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat isa laong lalo na ang mga nasa kanayunan dahil sila ang pangunahing nagiging biktima na mga mapanlinlang na ideolohiya ng Teroristang NPA.



[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/isinagawang-pulong-pulong-ng-army-at-lgu-naging-daan-sa-pagsuko-ng-mga-npa-mass-supporters-sa-bukidnon/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.