Posted to Kalinaw News (Aug 10, 2020): TESDA naglunsad ng training sa mga kasundaluhan at dating NPA
Malita, Davao Occidental – Inilunsad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang kanilang Program at Training para sa mga sundalo at Former Rebels (FRs) sa Headquarters ng 73IB, Brgy Felis ng nasabing munisipyo nitong umaga ng August 10, 2020.
Para suportahan ang Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster (PRLEC) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ang TESDA ay naglunsad ng programa at training patungkol sa Trainer’s Methodology (TM1) Level I para sa 25 na kasundaluhan at Cook Hot Meals naman para sa 15 na FRs.
Suportado din ni Hon. Lorna Bautista-Bandigan, Lone District Representative ng Davao Occidental, ang programa ng TESDA na kung saan siya ay magbibigay ng assistance upang ma-apply ng mga partisipante ang kanilang mga natutunan lalo na ang mga former rebels.
Sa mensahe na ipinarating ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, kanyang binigyang pansin ang mga kasundaluhan na huwag balewalahin ang training ng TESDA sapagkat magagamit nila ito kahit na wala na sila sa serbisyo.
Para sa inpormasyon ng nakakarami, nagkaroon ng Memorandum of Agreement si TESDA Sec Lapena at DND Sec Lorenzana na maging extension trainer ng TESDA ang mga kasundaluhan hinggil sa training programs para sa mga Indigenous People at mga FRs.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/tesda-naglunsad-ng-training-sa-mga-kasundaluhan-at-dating-npa/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.