Monday, August 10, 2020

Kalinaw News: Kasundaluhan at mamamayan nag Bayanihan para sa kaligtasan

Posted to Kalinaw News (Aug 10, 2020): Kasundaluhan at mamamayan nag Bayanihan para sa kaligtasan

Brgy Bantol , Marilog District, Davao City , 08 August 2020 – Nakiisa ang Charlie (Copperhead) Company na ander ng 3rd Infantry (Regardless of What) Battalion, 7ID, PA sa pamumuno ni LTC JUVENAL MARK T TAYAMEN INF (GSC) PA sa taonang Bayanihang paglilinis at pasasalamat sa Bantol hanging footbridge sa Sitio Mawato ng Brgy Bantol, Marilog District, Davao City. Ang nasabing Footbridge ay taonang nililinis ng mga nagsamasamang mamamayan ng Brgy Bantol sa pangunguna ng punong barangay na si Ginoong Edwin Fiel, upang mapanatiling matibay at para mas maging ligtas sa mga mamayan ng buong Brgy Bantol .

Ang Bantol hanging footbridge ay inagurasyunan noong ika 8 ng Augusto 1995. Ngaun taon ang ika 25 taon ng nasabing tulay. ” Napakalaking tulong sa amin ang Footbridge na ito, dahil dito napapabilis ang aming pagtawid ng Davao River patungo sa limang (5) Sitios ng aming lugar”, ayon pa kay Ginoong Fiel. “Dagdag pa niya napapabilis din ang paglabas ng aming produktong agrikultura ng dahil sa tulay”. Bilang pasasalamat, taonang ginagawa ang pag lilinis para maging maayos at tumagal pa ang nasabing tulay para na rin sa kaligtasan ng bawat dumadaan.

Ang buong kasundaluhang ng 3IB, 7ID, PA ay laging handang tumulong , katuwang na rin ang iba’t ibang ahensya ng ating gobyerno ay nag susumikap na maipaabot sa inyong komunidad ang mga programa ng pamahalaan para sa ikabubuti ng bawat mamayan ng ating bansa.







[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/kasundaluhan-at-mamamayan-nag-bayanihan-para-sa-kaligtasan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.