Monday, August 10, 2020

Kalinaw News: Dating “War Zone” ngayon ay isang maunlad na “Agricultural Zone”

Posted to Kalinaw News (Aug 10, 2020): Dating “War Zone” ngayon ay isang maunlad na “Agricultural Zone”

MALAGOS, Baguio District, Davao City- Peace, Unity and Harmony. Ito ang mga susi sa pag-unlad at pag-angat ng estado ng pamumuhay ng isang komunidad. ito ang proyektong hatid ng ating gobyerno sa mga komunidad na dati ay nasa tinatawag nating “Baseng Girelya” na kung saan sila ang naging sandigan, utusan, at silbing kalasag ng mga bandidong grupong CPP-NPA-NDF. Minsan dumarating pa ang mga pagkakataon na sila ay nadadamay at naiipit sa labanan sa pagitan ng gobyerno at mga terroristang NPA na kung saan bata man o matanda ay wala nang matakbohan at iiyak na lamang.

Sa pangunguna ng 3rd Infantry “Regardless of What” Batallion, 7ID, PA sa pamumuno ni Lt. Colonel Juvenal Mark T Tayamen INF (GSC) PA katuwang ang iba’t ibang ahensya ng Gobyerno ating binabalikan ang mga komunidad na kung saan sinasabing nakalimutan at napabayaan ng ating pamahalaan dala ang iba’t ibang programang pang agrikultura na kung saan nakikita natin ang importansya ng seguridad sa pagkain lalo na sa panahon nang ganitong pandemya na dulot ng covid-19.
Sana ay ating bigyan ng pansin at mas lalong suportahan ang mga ganitong programa ng ating pamahalaan







[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/dating-war-zone-ngayon-ay-isang-maunlad-na-agricultural-zone/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.