Monday, August 10, 2020

Kalinaw News: 5 katutubo na miyembro ng NPA sumuko sa Army , buong-pusong tinanggap ng kanilang kumonidad

Posted to Kalinaw News (Aug 10, 2020): 5 katutubo na miyembro ng NPA sumuko sa Army , buong-pusong tinanggap ng kanilang kumonidad

Fort Ramon Magsaysay, Nueva Ecija – Buong-pusong tinanggap ni Punong
Barangay Edwin Bernabe ng Barangay Kabayunan, Doña Remedios Trinidad,
Bulacan at ng 48th Infantry Battalion ng Army ang pagbabalik ng dalawang pamilya na binubuo ng limang katao na miyembro ng katutubong Dumagat na nalinlang ng bandidong NPA na sumapi sa kanila sa ginanap na seremonya sa Survey Detachment, Sitio Survey, Barangay San Lorenzo, Norzagaray, Bulacan noong ika- 31 ng Hulyo 2020. Ito ay matapos sumuko ang mga katutubo sa pamamagitan ng 80th Infantry Battalion na nakabase sa Rizal Province noong nakaraang Disyembre 13 taong 2019.

Ang mga sumuko ay may edad na 35, 30, 23, 18 at 15 na pawang residente ng
Barangay Kabayunan, Doña Remedios Trinidad, Bulacan subalit sila ay gumalaw
bilang miyembro ng NPA sa boundary ng mga probinsiya ng Bulacan at Rizal.
Sila ay pansamantalang kinupkop ng 80IB habang hinintay ang benepisyo na nakalaan sa kanila sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP. Ang bawat isa ay nakatanggap ng paunang tulong pinansiyal na tig Php 15,000.00 at kasunod naman nito ay ang Php 50,000.00 na tulong pangkabuhayan.

Ang E-CLIP ay isa mga hakbangin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa ilalim ng E-CLIP and Amnesty Program (EAP). Nangako naman si Punong Barangay Bernabe na gagabayan ang mga nagbalik-loob para sa kanilang pagbabagong-buhay. Lubos naman ang kanyang pasasalamat sa mga kasundaluhan na gumabay sa kanyang mga kababaryo at katribu. “Tayo ay nagiging aktibo sa ating kampanya na ipaalam sa mga miyembro ng NPA ang E-CLIP dahil malaking tulong ito para sa mga gustong magbagong buhay. Itong pagpababalik-loob ng ating limang (5) katutubo ay malinaw na epektibo at matagumpay ang E-CLIP ng ating pamahalaan,” ayon kay Brigadier General Andrew D. Costelo, ang 703rd Infantry (Agila) Brigade Commander na nakakasakop sa Bulacan.

Dagdag ni Lieutenant Colonel Felix Emeterio M. Valdez, 48IB Commanding Officer, “Handa po kaming tumulong. Kasama ang iba pang ahensiya at ang lokal na pamahalaan, tulong-tulong po kami upang magkaroon ng panibagong buhay ang mga nagbabalik-loob. Bukas po lagi ang inyong Guardians Battalion upang kayo ay gabayan at tulungan na makabalik sa buhay na tahimik at payapa.”







[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/5-katutubo-na-miyembro-ng-npa-sumuko-sa-army-buong-pusong-tinanggap-ng-kanilang-kumonidad/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.