Monday, August 10, 2020

Kalinaw News: Dalawang lider ng NPA na katutubo at dalawa pang iba nagbalik-loob sa San Mariano, Isabela

Posted to Kalinaw News (Aug 10, 2020): Dalawang lider ng NPA na katutubo at dalawa pang iba nagbalik-loob sa San Mariano, Isabela

CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Gamu, Isabela- Sa patuloy na pagpapa-igting ng mga kasundaluhan at kapulisan kasama ang lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng EO-70 o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay nagtagumpay muli sa pagtalikod at boluntaryong pagbalik-loob ng dalawang katutubong lider ng Communist-NPA-Terrorist (CNT) kasama ang dalawa ring may katungkulan sa kanilang kilusan na kabilang sa Rehiyon Sentro De Grabidad (RSDG)/Komiteng Larangan Guerilla Quirino-Nueva Vizcaya (KLG Q-NV), Komiteng Rehiyon- Cagayan Valley (KRCV) sa bayan ng San Mariano, Isabela nitong Agosto 09, 2020.

Ang pinagsanib na pwersa ng 95th Infantry (Salaknib) Battalion sa ilalim ng 502nd Infantry (Liberator) Brigade, 5ID, PA kasama ang kapulisan ng San Mariano, Isabela ang nagbigay daan upang makapagbalik-loob si alyas “Bunso” na dating Platon Kumander ng RSDG/KLG-QNV, KR-CV kasama ang kanyang asawa na si alyas “Joan” na isa ring dating Medical Officer. Kasabay nito ang pagtalikod din nina alyas “Bombo” na dati ring Bise Kumander ng isang Platon ng RSDG/KLG-QNV, KR-CV at si alyas “Romel” na dati namang Team Lider ng nasabing grupo.

Samantala, sa kanilang pagbabalik loob sa pamahalaan ay itinuro nila ang imbakan ng bomba sa bulubundukin ng Sierra Madre. Sina alyas “Bombo” at alyas “Bunso” ay pawang mga katutubo na nagtiis sa loob ng kilusan ng mahigit isang dekada. Sila ay namulat sa mga kasinungalingan ng mga Kadre ng NPA at napagtantong ginagamit lang sila upang maisulong ang kanilang pansariling interes. Ginusto nilang magbalik-loob sa pamahalaan upang matulungan din ang iba pang mga katutubong nalinlang at patuloy na inaabuso ng mga NPA.

Ayon kay LtCol Calilan, Battalion Commander ng 95IB, ang pagsuko ng apat na miyembre ng RSDG/KLG Q-NV ay malaking kawalan sa natitira pang NPA sa Probinsya ng Isabela dahil sila ang ginagamit sa panghihikayat sa kapwa nila katutubo at sa mga taktikal na opensiba. Nanawagan din si LtCol Calilan na magbalik-loob na ang mga naiiwan pa sa grupo ng NPA upang makatanggap ng benepisyo galing sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program E-CLIP ng pamahalaan upang mabigyan ng panimulang pagkukunan ng kabuhayan ng kanilang mga pamilya.

Dagdag pa ni LtCol CALILAN, umabot na sa 140 (62 Regular NPA at 78 Milisyang Bayan) ang kabuoang bilang ng nagbalik loob sa kanilang hanay mula noong taong 2019 hanggang sa kasulukuyan mula sa Central Isabela. Ito ang naging dahilan sa pagbagsak ng Central Front Committee(CFC) at ang patuloy na paghina ng Regional Sentro-De Grabidad (RSDG)/KLG Q-NV ng Komiteng Rehiyong-Cagayan Valley (KR-CV).

Ipinaabot ni BGen Laurence E Mina, Commander ng 5th Infantry (STAR) Division ang kanyang pagbati sa mga nagsipagbalik-loob sa kanilang naging tamang desisyon na yakapin ang tunay na kapayapaan.

“Ang pamunuan ng 5th Infantry (STAR) Division kasama ang lokal na pamahalaan at ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay patuloy na nananawagan sa mga natitira pang mga rebelde na nasa kabundukan ng Cagayan Valley at Cordillera pati narin ang mga miyembro ng Milisyang Bayan at iba pang mga sumusuporta sa CPP-NPA-NDF, na magbalik-loob na sa ating pamahalaan. Hinihikayat namin kayong mamuhay sa diwa ng tunay na kapayapaan kasama ng inyong pamilya at mga mahal sa buhay. Sama sama nating isulong ang kapayapaan at pag unlad ng lahat,” pahayag ni BGen Mina



[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/dalawang-lider-ng-npa-na-katutubo-at-dalawa-pang-iba-nagbalik-loob-sa-san-mariano-isabela/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.