Sunday, July 26, 2020

Kalinaw News: Mga kagamitang pandigma ng CNT, narekober sa Baggao, Cagayan

Posted to Kalinaw News (Jul 26, 2020): Mga kagamitang pandigma ng CNT, narekober sa Baggao, Cagayan
CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Gamu, Isabela –Sa patuloy na pagpapatupad ng EO #70 o Task Force to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) ng pinagsanib puwersa ng kasundaluhan ng 17th Infantry (Do or Die) Battalion, 5th Infantry (Star) Division, Philippine Army kasama ang tropa ng Marine Battalion Landing Team-10 (MBLT-10), ng Philippine Marines sa kanilang nasasakupan ay nagresulta sa pagkakarekober ng mga armas at mga kagamitang sangkap sa paggawa ng Improvised Explosive Devices (IEDs) ng Communist NPA Terrorists (CNT) na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng mga elemento ng Northern Front Committee, Komiteng Rehiyong-Cagayan Valley (NFC,KR-CV) sa Sitio Riggay, Brgy Hacienda Intal, Baggao, Cagayan noong ika-24 ng Hulyo 2020.

Kabilang sa mga narekober ay isang (1) M16 rifle, isang (1) U.S Carbine Cal. 30, isang (1) Magazine ng M16 Rifle, isang (1) Magazine ng Carbine, 20 na 5.56 na bala, anim (6) na bala ng Carbine, isang kilo ng pako, anim (6) na piraso ng PVC (12 inches round), dalawang (2) piraso PVC (formed as Claymore mine), isang (1) rolyo na Hose, isang (1) gallon na Black Powder at dalawang lata ng Epoxy (A&B 669g).

Ayon kay LTC Angelo Saguiguit, Battalion Commander ng 17IB, ang pagkakarekober ng nasabing mga baril at mga gamit sa paggawa ng bomba ay dahil sa patuloy na pagsuporta at kooperasyon ng komunidad ng Baggao, Cagayan at mga karatig bayan nito sa kampanya upang tapusin ang terorismo sa lambak ng Cagayan. Aniya, namulat na ang mga kababayan natin sa mga kasinungalingan at panlilinlang ng mga Komunista-Teroristang NPA. Dagdag pa niya, ang pagkakarekober ng mga armas at kasangkapang pampasabog ay malaking kawalan sa mga naturang terorista sa kanilang paghahasik ng kaguluhan sa mga komunidad at pananakot sa mga mamamayan ng Cagayan Valley partikular sa Baggao.

Pinuri naman ni Brigadier General Laurence E Mina, Commander ng 5th Infantry Division ang 17IB at MBLT10 pati na rin ang mga nagmalasakit na sibilyan na nakipagtulungan upang marekober ang mga nasabing gamit pandigma. Pinapaabot din niya ang kanyang mensahe sa mga kasapi ng komunistang grupo na magbalik-loob at huwag hayaang mawasak ang kinabukasan dahil sa maling idelolohiya habang may pagkakataon pa. Ayon kay BGEN MINA, ang ating pamahalaan ay laging handa upang tulungan ang mga nalinlang ng komunistang grupo upang magsimulang muli sa tulong ng E-CLIP at mamuhay ng mapayapa kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.



[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/mga-kagamitang-pandigma-ng-cnt-narekober-sa-baggao-cagayan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.