LUNGSOD NG BUTUAN, Nobyembre 14 (PIA) -- Nagtipon-tipon ang mga lider at miyembro ng tribung Higaunon sa isinagawang “Dumalongdong” sa barangay Sinakungan, Esperanza, Agusan del Sur para talakayin ang usaping pangkapayapaan, at iba’t ibang hamong kinakaharap ng indigenous peoples (IP) community.
Dinaluhan rin ito ng mga opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC, Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine Army, Philippine Information Agency (PIA), obispo ng Diocese of Butuan, at iba pang government stakeholders.
Layon nitong tugunan ang mga pangangailangan ng nasabing tribu at ipaabot ang suporta ng goberyerno sa pamamagitan ng pagbibigay ng basic services sa kanilang lugar.
“Ngayon na meron nang NTF-ELCAC, mas lalo pang mabibigyan ng pansin at atensyon hindi lamang ang tribu (Higaonon) ninyo kundi lahat ng tribu sa buong Mindanao at Pilipinas,” sabi ni Leouel Santos, director for operations ng NTF-ELCAC.
Ayon naman kay Atty. Leuben Lingating, chairperson ng Indigenous Peoples’ Peace Panel ng OPAPP, nais nitong palakasin at tugunan ang panawagan ng bawat katutubo na maipatupad ang Indigenous Peoples' Rights Act (IPRA) of 1997 upang sa gayun ay tuluyan nang makamit ang minimithing kapayapaan at kaunlaran.
Nakiisa rin sa Higaunon ang mga tribu ng Banwaon, Omayamnon at Polangiyon galing sa probinsiya ng Agusan del Norte, Misamis Oriental at Bukidnon para suportahan ang Executive Order 70 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kinondena rin nila ang communist terrorist group o CTG na kanilang itinuturing na kalaban at hadlang sa kaunlaran lalung-lalo na ang pakikialam nito sa kanilang katutubong lupa at paglabag sa kanilang karapatang pantao.
Sinabi naman ni Inday Lindahog, isang Higaonon sa Agusan del Sur, na isinagawa nila ang Dumalongdong upang mapag-usapan at masolusyonan ang mga propaganda ng CTG.
“May karapatan kami na ipaglaban an aming tradisyon, kultura at lupain dahil dito kami namumuhay at minana pa namin ito sa aming mga ninuno,” sabi ni Lindahog.
Tiniyak din ng DILG-Caraga at NICA na tutukan ang kahilingan ng nasabing tribu.

“Ang aming opisina ay bukas ano mang oras sa kung sino man sa inyo na gustong komunsulta hinggil sa mga isyu. Nariyan din an gating mga lokal na pamahallan na lagging handang tumulong s ainyo. Kaya huwag kayong mag-atubiling lumapit sa amin, sa ating pamahalaan. Kaagapay ninyo kami at sama-sama nating itaguyod ang kapayapaan upang matamasa ang kaunlaran,” sabi ni DILG-Caraga Assistant Regional Director Donald Seronay.
Ipinaabot din ni Jun Bringas ng NICA na “ang NTF ay mananatiling kasama ng iba’t ibang tribu sa kanilang pangayaw laban sa NPA.”
Samantala, nagbigay ang NTF-ELCAC ng tulong pinansyal sa nasabing tribu.
Matatandaan na ang barangay Sinakungan ay inatake ng mahigit kumulang isang daang rebeldeng NPA taong 2018 sa araw mismo ng eleksyon ng barangay kung saan nagdulot ng pananakit sa ilang Higaonon. (VLG/PIA-Caraga)
https://pia.gov.ph/news/articles/1030159

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.