NPA-MASBATE
JOSE RAPSING COMMAND
NEW PEOPLE'S ARMY
SEPTEMBER 08, 2019
Si Adriel “Boyet” Besana ay isang AWOL na marines na dating nadestino sa Mindanao at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Dalipe, Cawayan, Masbate. Ang asawa niya ay aktibong kagawad ng pulisya sa Masbate City Police station at dating nakatalaga sa PPO Masbate-Police Community Relation (PCR). Sa huling termino ng kaanak ni Boyet sa pagiging kapitan ng Brgy. Dalipe ay nagpapili siya bilang kapitan ng nasabing barangay at siya ay nanalo. Batid ng Jose Rapsing Command (JRC-BHB) sa probinsya na dating kagawad ng marines si Boyet. Sa kabila nito ay maayos siyang pinakitunguhan ng mga kasama dahil sa hindi naman siya naging palaban sa rebolusyonaryong kilusan.
Ngunit nang makaupo bilang Punong Barangay ay palihim siyang nakipagtulungan sa mga militar laban sa rebolusyonaryong kilusan at mga kasama. Dinidikitan ni Boyet ang mga residente sa lugar upang higupin ang mga impormasyon tungkol sa latag ng pampulitikang istruktura ng rebolusyonaryong kilusan sa lugar.
Lahat ng nasasagap niyang mga impormasyon ay ibinibigay niya sa 2nd IBPA at sa Military intelligence Company(MICO).
Nalantad ang pagiging palaban ni Boyet Besana sa rebolusyonaryong kilusan ng papalapit na ang mid-term eleksyong 2019. Mas lalo pang nalantad si Boyet ng wasakin ng mga kasama ang binuo niyang Barangay Intelligence Network(BIN) sa paligid o kalapit na mga barangay ng Brgy. Dalipe upang mamonitor ang mga aktibidad at galaw ng mga kasama sa lugar. Samantala, pinabalik naman ng mga kasama ang pinalayas na “asset” nito upang maiwasan sana ang paglala ng sitwasyon at di sumagad ang hindi pagkakaunawaan at pagkakaintindihan. Pero sa kabila ng pagpapabalik ng mga kasama sa tauhan niya ay patuloy pa rin ang mga hakbang ni Boyet laban sa rebolusyonaryong kilusan.
Habang ang mga kasama ay tahimik na gumagampan sa pang araw-araw na tungkulin at gawain para sa mamamayang Masbatenyo ay lalo pang pinabigat ni Boyet ang kanyang pagtatraydor sa kilusan na sinamahan pa ng pagiging impostor.
Si Boyet Besana ang lider ng grupong nasa likod ng pangingikil sa mga negosyante kumprador sa bahagi ng 3rd District na nagpapakilalang kasama. Hinihingian nila ng tig P30,000.00 ang bawat biktima na pinapadala sa mga money remittance center.
Pinapaalalahanan ng JRC-BHB ang mamamayang Masbatenyo lalung-lalo na ang mga residente at negosyante sa bayan ng Cawayan, Masbate na huwag kayong pabibiktima sa ganitong modus-operandi ng grupo ni Boyet Besana at ng mga militar. Ang paghingi ng tulong o pera na pinapadaan sa money remittance center ay hindi ginagawa ng rebolusyonaryong kilusan. Personal na kinakausap ng mga kasama ang mga taong hinihingian ng tulong, ito man ay materyal o pinansyal na bagay. Pinapaliwanagan din ng mga kasama kung bakit hinihingi ang kanilang tulong. Kahit ang mga kontraktor o mga taong pinagkakatiwalaan ng rebolusyonaryong kilusan para magdala ng mensahe ay personal ding kinakausap ng mga kasama.
Ang resulta ng eleksyon sa pagka Mayor sa Cawayan ang nagpasagad kay Boyet Besana sa kanyang kontra rebolusyong gawain. Ang kanyang sinusuportahan sa pagka mayor na si Ramon Abinuman ay tinalo ni Edgar Condor sa mismong barangay niya kung kaya galit na galit si Boyet sa mga tao sa kanilang baryo at ito ay nagbanta na papakatan niya ng mga sundalo ang kanyang barangay at mga karatig na barangay.
Dito na nagsimula ang gulo nang pasukin ng mga sundalo at pulis ang Brgy. Dalipe at iba pang mga kalapit na barangay. maramihang sibilyan ang dinampot at inaakusahang kasapi ng NPA o kaya ay taga suporta nito. Ilang kabahayan ang pinasok at pinaghahalughog ang mga gamit na nagresulta sa pagkasira ng ilan. Maging ang mga perang ipon ng mga residente ay kinukuha maging ang 120 kaban ng palay ay kinumpiska ng grupo ni Boyet at mga sundalo. Kalahati ng 120 kaban ng palay ay ginamit na pangkunsumo ng grupo ni Boyet at mga sundalo ng 2nd IBPA, habang ang kalahati pa ay ibinenta naman ng kabit ni Boyet para pagkakitaan.
Samantala ang mga taong dinampot ay ginawang giya sa kanilang operasyon at pagkatapos ay binubogbog. Sa bandang huli ay dinala sa bahay ni Boyet ang mga dinampot at sapilitang pinatrabaho bilang tagagawa ng hollow blocks ng pamilya ni Boyet.
Sina Ondo Rondina, Tongtong Pianar, Titing Delos Reyes, Ondot Pianar, Onyot Empas at Boyboy Sayre ay ilan lamang sa mga taong naging biktima ng grupo no Boyet at mga sundalo na siyang ginawang giya, binugbog at sapilitang pinatrabaho para sa personal na interes ng pamilya Besana.
May ilan ding naiulat na panloloob sa mga kabahayan sa 7R Ranch ng pinagsanib pwersa ng 2nd IBPA, MICO at PPO Masbate. Kinaladkad at hinuhuli ang mga residente ng 7R upang gamiting kasangkapan laban sa rebolusyonaryong kilusan ang mga biktimang sina Kaboy Landao, Arnel Bongbong Punay, Ryan cortes, Jovani Empas at Bobby Baybayon.
Walang nang pinagkaiba si Boyet Besana sa mga teroristang AFP at PNP na may mahaba ng krimen sa mamamayang Masbatenyo at buong sambayanang Pilipino. Nananawagan ang JRC-BHB Masbate sa mamamayang Masbatenyo at residente sa bayan ng Cawayan na makipagtulungan sa rebolusyonaryong kilusan upang wasakin ang salot sa bayan ng Cawayan na sina Boyet Besana, 2nd IBPA, PNP Masbate PPO. Sa lahat naman na kabataan at iba pang residente huwag kayong padadala sa panloloko ng grupong Boyet Besana/AFP/PNP upang kumbinsihin kayong maging CAFGU, pulis at militar. Gagamitin lang kayo sa mga krimen laban sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan at sila ng kanyang mga kasabwat ang makikinabang sa magiging accomplishment(kuno) niyo. Habang ang mga buhay niyo ang nakasalalay sa tuloy-tuloy nilang panghahalihaw sa mga Barangay sa bayan ng Cawayan. Gagamitin nila kayo upang takutin ang mamamayang lumalaban. Tama ba ang maglingkod sa gobyernong siyang dahilan ng paghihirap ng taong bayan at pumapatay sa mga inosenting sibilyan katulad sa mahigit 30 pinatay nila sa probinsya ng Masbate. Isa na rito ang pagmasaker sa apat na habal-habal driver sa Mactan, Cawayan noong Agosto 3, 2015. Ang mga pinatay ay pawang mga residente ng Brgy. Del Carmen, Uson. Pagmasaker sa mag-amang Bartolay Brgy. Bartolabac, San Jacinto noong 2015, sa Brgy. Kapitan at kagawad nito sa nasabing lugar at iba marami pang iba ng pagpatay. Kung nais niyong maglingkod sa mga kababayang Masbatenyo at Pilipino, halina at sumampa kayo sa Bagong Hukbong Bayan.
Sa mamamayang Masbatenyo, partikular sa residente ng bayan ng Cawayan, huwag kayong maniniwala sa kasinungalingan ni Boyet Besana na siyang puno’t dulo ng kaguluhan sa bayan ng Cawayan.
HUSTIYA SA MGA BIKTIMA NG EKSTRA-HUDISYAL NA PAGPASLANG NG AFP AT PNP!

ISULONG ANG DIGMANG BAYAN AT KAMTIN ANG TAGUMPAY NG PAMBANSA DEMOKRATIKONG REBOLUSYON!
IBAGSAK ANG PASISTA DIKTADURA TIRANIKONG REHIMENG US-DUTERTE !
IBAGSAK ANG IMPERYALISMO, BURUKRATA KAPITALISMO AT PYUDALISMO!
MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO!
LUZ DEL MAR
Tagapamahayag
JRC-BHB Masbate
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.