Thursday, December 20, 2018

CPP/NPA-Sorsogon: Higit na paglakas ng NPA sa pagpapatupad ng MO32 at EO70!

New People's Army (NPA)-Sorsogon propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Dec 19): Higit na paglakas ng NPA sa pagpapatupad ng MO32 at EO70!

New People's Army
Samuel Guerrero
NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command)
December 19, 2018
    
Ikinagagalak ng mamamayang Sorsoganon ang dalawang matagumpay na operasyong haras na inilunsad ng mga Pulang mandirigma ng Celso Minguez Command BHB-Sorsogon (CMC-BHB) nitong Disyembre 17, 2018.

Bandang alas 7:15 ng gabi, limang minutong pinaputukan ng isang tim ng BHB ang istasyon ng pulis sa Barangay Central, bayan ng Magallanes. Higit na paglakas ng NPA sa pagpapatupad ng MO32 at EO70!. Dulot ng pagkataranta, walang pakundangang nagpaputok ang mga elemento ng PNP na umabot sa mahigit 30 minuto kahit matagal nang nakaatras ang mga kasama. Sugatan sa hanay ng Philippine National Police o PNP sa nasabing insidente sina PO1 Rolan Geul, PO1 Sonny Son Estera, at PO1 Melvin Bartolata.

Kasunod nito, pinaputukan ng isa pang tim ng Bagong Hukbong Bayan o BHB ang 908th Regional Public Safety Company o RPSC sa Barangay San Ignacio, Gubat bandang alas 7:56 ng gabi. Ligtas na nakaatras ang mga kasama sa nasabing mga operasyon .

Ang mga aksyong militar na ito ng CMC-BHB Sorsogon ay tugon sa desperadong proklamasyon ng pasistang rehimeng US-Duterte sa Memorandum Order No. 32 at sa walang humpay na opersayong militar ng AFP at PNP sa probinsya upang magpakitang gilas kay Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pagbisita nito sa Albay.

Hindi na bago sa hanay ng rebolusyonaryong kilusan ang ganitong mga kautusan, wala pa man ito, mistulang umiiral na ang martial law sa buong bansa dahilan sa maramihang pagpatay sa pamamagitan ng Oplan Tokhang at ekstra-hudisyal na pamamaslang sa mga grupo at indibidwal na lumalaban para sa kanilang mga karapatan at iba pang paglabag sa karapatang-tao. Sa probinsya ng Sorsogon, pinakamarami ang biktima dito ng ekstra-hudisyal na pagpaslang sa buong rehiyon magmula ng maupo si Duterte. Anu’t-anuman, palaging nakahanda ang CMC BHB-Sorsogon sa anumang atake ng AFP anuman ang maskarang gamitin nito.

Sampal din ito sa pinakahuling deklarasyon ng rehimen na aarmasan ang mga opisyales ng barangay upang labanan at durugin ang rebolusyonaryong kilusan. Binantaan din ni Duterte na papatayin ang mga ito kung hindi lalabanan ang rebolusyonaryong kilusan. Pikon ang rehimeng US-Duterte sa patuloy nitong kabiguan sa pagdurog ng rebolusyonaryong kilusan at desperado sa paghahanap ng mga paraan upang supilin ang dumadaluyong na lakas ng paglaban ng mamamayan.

Sa lahat ng askyong militar ng BHB, tinitiyak nito na walang sibilyang madadamay. Gayunpaman, patuloy na inaalam ng CMC – BHB Sorsogon ang katotohanan sa ipinamamalita ng kaaway na may sibilyang nasugatan. Nakahanda ang CMC-BHB Sorsogon na makipag-ugnayan sa biktima para sa anumang tulong at pananagutan kung mapatunayan na may naging kahinaan ang BHB sa nasabing operasyon.

Mamamayan Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!

Ilantad at Biguin ang anti-mamamayang MO 32 at EO 70!

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.