Propaganda article from the Tagalog edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines Website (Oct 7): Koordinanong mga aksyong militar sa Bicol
AABOT SA 20 operasyong haras ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Bicol mula Setyembre 24-26 laban sa mga kampo ng militar at pulis sa Camarines Sur, Albay at Masbate. Sa panimulang mga ulat, hindi bababa sa walong pasistang tropa ang namatay sa naturang mga pag-atake. Target ng mga opensiba ang mga yunit sa ilalim ng 9th ID at mga mobile force ng Philippine National Police (PNP).
Sa Albay, tatlong kampo sa Camalig at isa sa Legazpi City ang koordinadong inatake ng mga Pulang mandirigma bandang alas-7 ng gabi noong Setyembre 24. Kinabukasan, tatlo pang kampo ang pinaputukan ng BHB-Albay.
Sa Camarines Sur, apat na kampo ng 22nd IB-CAFGU sa bayan ng Libmanan at isa sa Bato ang magkakasunod na hinaras ng BHB noong Setyembre 25. Isa sa mga naturang kampo ang dalawang ulit na hinaras nang araw ding iyon. Kinabukasan, dalawa pang detatsment ng 22nd IB-CAFGU ang pinaputukan ng mga kasama.
Noon ding Setyembre 25 sa Masbate, apat na kampo ng PNP Mobile Force ang inatake ng BHB sa isla. Kabilang sa mga ito ang mga kampo sa Cataingan, Masbate City, San Pascual at San Jacinto. Isang araw bago nito, pinaputukan ng mga kasama ang kampo ng 506th PNP Mobile Force Company sa Barangay Lalaguna, Mobo.
Maliban sa koordinadong mga aksyong ito, iniulat din ng BHB-Albay ang matagumpay na ambus laban sa isang iskwad ng 22nd IB-CAFGU noong Setyembre 22. Tatlong kaaway ang naiulat na namatay at isa ang malubhang nasugatan. Noon namang Agosto 21, dalawang elemento ng 2nd IB ang namatay sa isinagawang ambus sa Barangay Panoypoy, Camalig habang magkaangkas sila sa motorsiklo pabalik sa barangay na kanilang inookupa sa ilalim ng Oplan Kapayapaan.
Bukidnon. Noong Setyembre 30, alas-7:36 ng gabi, hinaras ng BHB-Bukidnon ang mga sundalo ng AFP sa Barangay Palacapao, Quezon. Halos kasabay nito, pinaputukan din ng mga Pulang mandirigma ang mga sundalo na nakabase sa Sityo Minongan ng parehong barangay. Dalawa ang naitalang sugatan sa mga sundalo.
Sultan Kudarat. Hindi bababa sa 14 na sundalo ang napatay at marami ang nasugatan sa ambus na isinagawa ng BHB laban sa Marine Battalion Landing Team 2 noong Setyembre 16, bandang alas-3 ng hapon sa komunidad ng Sinapsap sa Barangay Sangay, Kalamansig. Gumamit ang mga Pulang mandirigma ng mga pasabog, riple at katutubong mga armas.
[Ang Bayan is the official newspaper of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is published in Pilipino, Bisaya, Hiligaynon, Waray and English. Download Ang Bayan from the Philippine Revolution Web Central at www.philippinerevolution.info. Ang Bayan is published fortnightly by the Central Committee of the Communist Party of the Philippines.]
https://www.philippinerevolution.info/2018/10/07/koordinanong-mga-aksyong-militar-sa-bicol/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.