NPA-Mindoro propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 28): Militar na protektor ng kumpanya sa pagmimina, pinarusahan ng NPA sa Mindoro
Ka Madaay Gasic, Spokesperson
NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command)
28 February 2018
Matagumpay na inisnayp ng isang tim ng New People’s Army (NPA) – Mindoro (Lucio de Guzman Command) ang kampo ng 4th Infantry Battalion-Philippine Army sa So. Cambayang, Brgy. Cabugao, Bulalacao, Oriental Mindoro, Peb. 24, alas-8:24 ng umaga.
Tugon ang naturang opensiba sa hinaing ng masa laban sa mga sundalong poprotekta sa papasok na kumpanya sa pagmimina ng langis sa lugar. Nasugatan dito si Domingo Berber, commanding officer sa naturang detatsment ng CAFGU. Samantala, walang anumang kaswalti sa panig ng Pulang hukbo.
Noong Peb. 20, Martes, lamang nadestino si Berber sa Cabugao detachment mula sa Milagrosa (Guiob) detachment sa parehong bayan.
Bahagi ang naturang aksyong militar sa serye ng pamamarusa ng NPA-Mindoro sa mga dayuhang kumpanya sa pagmimina at energy projects na nagdudulot o napipintong magdulot ng ‘di-mababawi o irreversible na pinsala sa kalikasan at kabuhayan ng mamamayan, ani Ka Madaay Gasic, tagapagsalita ng NPA-Mindoro.
“Hibang ang rehimeng US-Duterte sa pangangarap nitong mauubos ang NPA. Ang rehimen mismo ang naghahasik ng pataba sa dati nang matabang lupa kung saan patuloy na lumalago ang NPA at buong rebolusyonaryong kilusan,” paliwanag ni Gasic.
“Tutol umano ang rehimeng ito sa pagmimina, ngunit pasusubalian ito ng militarisasyon sa mga eryang may pagmimina at malalaking proyektong wawasak sa kalikasan. Kung gayon, lalong nakikilala ng mas malawak na masa kung sino ang kanilang kaaway — ang mga militar at paramilitar na nagsisilbing protektor ng interes ng kapital at hindi ng mamamayan,” pagtatapos niya.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.