NPA-Eastern Visayas propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 28): “AFP, kinasusuklaman sa Leyte at pagkatalo ang tunguhin; NPA, kaibigan ng mamamayan at di kailanman magagapi!”
Ka Karlos Manuel, Spokesperson
NPA-Eastern Visayas (Region VIII) (Efren Martires Command)
28 February 2018
Press Release
Binigwasan ngayon ng Efren Martires Command, panrehiyong kumand ng New People’s Army (NPA) sa Eastern Visayas, ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga buladas nito na nagpapasuko sa NPA sa Leyte at nananakot na ipapadala ang bagong tatag na 93rd IB ng 8th Infantry Division ng Philippine Army doon.
Ayon kay Ka Karlos Manuel, tagapagsalita ng Efren Martires Command, “Desperado ang AFP dahil ikinasusuklam ito ng mamamayan sa pagtatanggol nito ng berdugong si Rodrigo Duterte na nagmamasaker sa mahihirap sa ngalan ng di-makatarungang mga gerang anti-druga, anti-komunista at anti-Moro. Matagal na at labis-labis ang paghihirap ng mamamayan sa Leyte sa ilalim ng reaksyunaryong sistemang pinaghahari-harian ngayon ni Duterte at binabantayan ng mga pasistang asong ulol ng AFP. Namamayagpag sa isla ang mga dayuhan at lokal na mapagsamantalang nagpapasasa sa paghihirap ng mamamayan, at nabubundat sa malalawak na plantasyon, rantso, planta ng enerhiya, mina at quarry, shopping mall, industrial estate at call center. Samantala, sinisiil at pinagtataboy ang mga maralita kapwa sa kanayunan at kalunsuran, at ultimong mga nasalanta ng bagyong Yolanda, upang bigyang laya ang mangangamkam na mga imperyalista at mga kumprador-panginoong maylupa sa tambol ng neoliberal na palisiya ng rehimen.”
Sa kabilang banda naman, pagpapatuloy ni Ka Karlos Manuel, ”Hindi kailanman magagapi ang NPA dahil nasa panig ito ng mamamayan at inilulunsad ang isang makatarungang digma. Ipinaglalaban ng NPA ang mamamayan sa harap ng halimaw na rehimeng US-Duterte at hanggang sa makamit ang ganap na tagumpay. Hindi bayaran ang NPA tulad ng AFP, na binubusog ni Duterte kapalit ng pagtitipid sa mga batayang serbisyong panlipunan. Kung kaya’t nanaginip nang gising ang AFP sa panawagan nito sa NPA na sumuko kapalit ng bayad mula sa Comprehensive Local Integration Program o CLIP, na perang ninakaw sa mga serbisyong panlipunan at kadalasa’y binubulsa mismo ng militar sa mga palabas na pekeng pagsurender ng NPA. Katawa-tawa rin ang paggiit ng AFP ng lokal na usapang pangkapayapaan na matagal nang nailantad na pagdadalawang-mukha dahil may usapang pangkapayapaan naman sa pambansang antas, kung kaya’t pakana lamang ang usapang lokal upang hatiin ang rebolusyonaryong kilusan.
“Hindi rin natatakot ang NPA sa paninindak ng AFP gamit ang bagitong 93rd IB. Minamaliit ng AFP ang NPA pero ang isang brigada nga nila sa Leyte na ang 802nd Infantry Brigade ay ilang dekada na bang bigong-bigo na durugin ang NPA? Ito’y patunay lamang kung sino ang minamahal ng mamamayan at kung sino ang tinatakwil nila. Ang mamamayan ang tunay na lakas at mapagpasya, hindi ang lakas sa baril at iba pang mga bagong armas na ipinagmamayabang ni Duterte.”
Nanawagan ang tagapagsalita ng Efren Martires Command sa mamamayan ng Eastern Visayas: “Lalo pa nating pakamahalin at palakasin ang NPA sa Leyte. Karapatan ng mamamayan na humawak ng sandata at labanan sa makatarungang digma ang isang rehimen at naghaharing sistemang itinataguyod nito na kapwa nawawalan ng saysay. Hinihikayat natin laluna ang mga kabataan na magsasaka, manggagawa at nakapag-aral, ang lahat na nagmamahal sa bayan, na sumapi sa New People’s Army. Singilin natin ang mga utang na dugo ng rehimeng US-Duterte, palakasin ang NPA, at isulong ang digmang bayan hanggang makamit ang pambansang demokrasya at sosyalismo.”
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.