Sunday, December 10, 2017

CPP/Ang Bayan: Mga drone, ginamit laban sa mamamayan

Propaganda article from the Tagalog language edition of the CPP online publication Ang Bayan (Dec 7): Mga drone, ginamit laban sa mamamayan

MARIING BINATIKOS ng Bagong Hukbong Bayan-North Central Mindanao Region (BHB-NCMR) ang pagpapalipad ng mga drone at spy plane ng tropa ng AFP sa mga komunidad ng Cagayan de Oro, Iligan at kanlurang bahagi ng Misamis Oriental at Lanao del Sur noong Nobyembre 18-19. Ayon sa BHB-NCMR, ang mga drone na ito ay pareho sa tipo ng mga spy plane na ginamit ng AFP sa pagbomba sa Marawi City. Nagdulot ito ng ligalig sa mamamayan ng lugar lalo pa at inilulunsad ang pagpapalipad ng drone mula hatinggabi hanggang kinaumagahan.

Sa pahayag ni Ka Malem Mabini, tagapagsalita ng BHB-NCMR, ang pagpapalipad ng mga drone ay banta ng pambobomba para takutin sila at palayasin ang mamamayang Moro at Lumad sa kanilang mga komunidad. Isinasagawa ito para bigyan-daan ang pagtatayo ng plantasyon at minahan sa kanilang mga lupang ansestral.

Gamit ang dahas at pagbabanta, mabilis na nakakapasok ang proyekto at agribisnes ng malalaking imbestor sa Autonomous Region for Muslim Mindanao sa Cagayan at Iligan. Sa ARMM pa lamang, aabot sa 103,000 ektarya ng lupa ang planong gawing plantasyon ng oil palm at saging. May plano ring palawakin ang saklaw ng mga operasyong mina sa Cagayan de Oro, kapwa ng mga luma at bagong pasok na dayuhan at lokal na mamumuhunan.

Para pabilisin ang mga ito, walang tigil ang pandarahas ng AFP sa mamamayang Moro kahit pa tinapos na nito ang gera sa Marawi. Patuloy na pinapakalat ng tropa ng militar ang black scare at kasinungalingan na nagrerekrut ang grupong Maute at ISIS sa mga unibersidad ng Marawi, Iligan at Cagayan de Oro.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://www.philippinerevolution.info/ang_bayan/201712-mga-drone-ginamit-laban-sa-mamamayan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.